^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Problema sa DepEd

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL � Problema sa DepEd

MARAMING problema sa Department of Education­ (DepEd). Isa ito sa mga departamento na hindi nalulutas ang problema at dumarami pa sa paglipas ng panahon. Sa kabila na may malaking share sa budget taun-taon, patuloy na namamayani ang mga problema sa kagawaran at apektado ang kalidad ng edukasyon. Bumababa ang kalidad at naiiwan ang mga kabataang Pilipino sa maraming larangan. Hindi naman ito dapat mangyari sapagkat sobra-sobra ang pondo ng kaga­waran. Ngayong 2024 ang budget ng DepEd ay P924.7 billion. Isa sa mga pinakamalaki sa mga department ng pamahalaan.

Taun-taon na lamang, problema ang kakapusan ng silid-aralan. Dapat bang mangyari ang ganitong problema gayung malaki ang budget. Marami sa mga estudyante sa public schools ay napipilitang magdaos ng klase sa lobby ng school, comfort room na ginawang classroom at ang matindi ay sa lilim ng punongkahoy. Mara­ming estudyante ang siksikan na parang sardinas sa isang classroom dahilan para marami ang walang ma­tu­tuhan sa itinuturo ng guro.

Problema rin ang kakulangan ng mga mahuhusay na guro. Maraming guro ang napipilitang mag-DH sa ibang bansa dahil mas malaki ang sahod dun kaysa maging guro. Hindi prayoridad ng pamahalaan ang pag­bibigay nang mataas na sahod na nararapat lamang­ sa mga guro sapagkat sila ang humuhubog sa karu­nungan ng mga bata.

Malaking problema rin na napag-iiwanan ang mga estudyanteng Pinoy ng mga estudyante sa ibang bansa. Kulelat ang mga Pinoy sa Science, Math at Reading Comprehension. Nakita ang nakadidismayang resulta ng 2022 Programme for International Student Assessment (PISA). Nakita ang kahinaan ng mga Pilipinong estudyante kumpara sa mga estudyante sa 81 bansa. Sa resulta ng 2022 PISA, nakakuha lamang ng 355 points sa math, 356 sa science at 347 sa reading ang mga estudyanteng Pinoys. Para makapasa, kailangang­ ang score ay: 472 sa math; 485 sa science at 476 sa reading.

Noong Miyerkules, nagbitiw si Vice President Sara Duterte bilang DepEd Secretary. Wala pang inaanunsiyo si President Ferdinand Marcos Jr. na kapalit ni Sara.

Sa pagkakataong ito na nasa krisis at mababa ang kalidad ng edukasyon, ang matalinong pagpili sa susunod na DepEd secretary ay mahalaga. Hindi dapat basta-basta ang pagpili sa bagong DepEd secretary. Kahit matagalan ang pagpili basta siguruhin lamang na ang mapipili ay may kaalaman at sapat na pagma­mahal sa edukasyon ng mga kabataan. At higit sa lahat, huwag pumili ng pulitiko. Masasakripisyo ang DepEd kapag pulitiko ang inilagay sa puwesto. Mahabag sa DepEd.

vuukle comment

DEPED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with