^

PSN Opinyon

Seryosong insidente

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

BUMITIW na bilang DepEd Secretary si Vice President Sara Duterte. Mukhang malinaw na ang hidwaan ng mga pamilya Marcos at Duterte sa kilos na ito. Maaalala na binatikos nang hustro ni dating Pangulong Duterte si Pangulong Bongbong Marcos Jr. at tinawag pang “bangag” o lulon sa droga.

Nanawagan naman si Mayor Sebastian Duterte ng Davao City na bumitiw na sa tungkulin si Marcos. Nanawagan naman ang kaalyado ni Duterte, si Rep. Pantaleon Alvarez na humiwalay na ang isla ng Mindanao sa buong Pilipinas. Walang nangyari.

Nandyan din ang paghahanap kay Apollo Quiboloy na ilang beses pinatawag ng Senado para magpaliwanag o magbigay ng katayuan sa mga inaakusa sa kanya bilang “sex offender.” At ang mga isyu sa West Philippine Sea kung saan mas agresibo at peligroso na ang mga kilos ng Chinese Coast Guard (CCG) sa mga barko natin.

Nanahimik lang si Sara habang nagaganap ang lahat na iyan. Wala siyang maibigay na opinyon, pahayag o kata­yuan. Mukhang ang pagiging tahimik sa mga isyu na iyan ang nagpakita ng kanyang tunay na katayuan. Sa sunud-sunod na pambu-bully ng China sa West Philippine Sea, baka hindi na niya maipagtanggol.

Naganap ang pinakaseryosong insidente noong Hunyo­ 17 nang banggain ng CCG ang rigid hull inflatable boat (RHIB) kung saan nakasakay ang ilang sundalo. Dahil umano sa bilis ng RHIB ng CCG, pumatong ito sa RHIB natin. Nataon naman na nakahawak si Seaman First Class Jeffrey Facundo at naipit ang kanyang isang daliri at naputol.

May mga ulat din na nagkaroon ng gulo sa pagitan ng mga tauhan ng CCG at Philippine Navy (PN). Kinuha ng mga CCG ang mga armas na nakatago. May ulat na lumaban ang ating mga sundalo sa mga CCG na armado ng itak. Binutas pa ang RHIB ng PN, at kinuha ang ilang kagamitang komunikasyon. Natural, sinisisi ng China ang Pilipinas sa naganap na insidente.

 Kaya ano na ang sunod na kilos ng Pilipinas matapos ang ganitong pangyayari sa karagatan? Medyo seryoso na ito. Tutulungan na ba tayo ng mga kaalyado natin, partikular ng U.S.? O maghihintay pa ng mas seryosong pangyayari bago kumilos?

Sa ngayon, puro batikos at pagkondena sa China ang kanilang ginagawa. Pero manhid ang China sa ganyan. Ipagpapatuloy ba ng AFP ang pagdala ng mga suplay sa Ayungin, o hahanap na ng mas ligtas na pamamaraan? Nakita na natin ang pambu-bully ng China na tila mas malala na.

vuukle comment

SARA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with