^

PSN Opinyon

Manhid na tayo

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NAGKAROON uli ng pagbabanggaan ang mga barko ng Pilipinas at China malapit sa Ayungin Shoal.  Anang China, tayo raw ang may kasalanan. Alam naman ng buong mundo na walang kakayahan ang Pilipinas na magpasimula ng gulo na puwedeng maghudyat sa isang digmaan.

Hindi na ako nasusorpresa sa mga ganitong pangyayari na paulit-ulit nang nagaganap.  Marahil, kayo man ay manhid­ na rin. Huwag naman dahil mahirap maging manhid dahil baka makalimutan natin ang posibilidad na magkaroon ng mas malubhang pangyayari gaya ng isang digmaan.

Huwag ding kalimutan ang mga nakahahambal na balita sa mga nangyayari sa POGO operations.

Huwag nawang itulot ng Panginoon na magkaroon­ ng mas marahas na aksiyon ang China na may mama­matay tayong kababayan. Kasi, gaya nang sinabi ni President­ Bongbong Marcos, isang buhay lang ang makitil at maitu­turing nang simula ng isang digmaan. Walang bansang may gusto niyan.

Pero sa ganitong pangyayari, ikonsidera pa ang halos tatlong taon nang digmaan ng Russia at Ukraine, at ang sigalot ng Israel at Palestine, hindi maiwasang isipin ng tao na nasa bingit nang World War 3 ang daigdig.

Huwag tayong tutugot sa pananalangin. Sa ganitong sitwasyon, dapat mamagitan ang Diyos at ang hangad Niya ay lumapit tayo nang may pagpapakumbaba at manala­ngin sa Kanya.

vuukle comment

AYUNGIN SHOAL

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with