^

PSN Opinyon

Lahat ng suliranin natin nauugat sa korapsyon

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon
Lahat ng suliranin natin nauugat sa korapsyon

NAG-ISYU ang Bureau of Immigration ng residency visas sa 3.12 milyong Chinese nu’ng 2016-2018. Sinuhulan ang BI officers. Karamihan sa Chinese na hinayaang tumira sa Pilipinas ay nagtatrabaho sa offshore gaming. Mabilis ang pera sa sugal. Tig-P60,000 ang suhol kada Chinese immi­grant mula pagpuslit sa airport hanggang maisyuhan ng visa.

Ayaw isabatas ng kongreso anumang kontra sa poli­tical dynasties. ‘Kasi 67% ng mga representantes ay dynasts. Gan’un din ang kalahati ng senado; may isang pares ng mag-ina at dalawang pares ng magkapatid.

Pinakamasiba ang fat o matabang political dynasties­, ani Prof. Julio Teehankee ng Dela Salle University. Sabay-sabay pumupwesto ang mag-asawa, magkapatid, mag-ama’t-ina. Sinosolo nila ang mga negosyo sa lokalidad. Nama­ma­yani ang katiwalian, naghihirap ang mamamayan.

Kulang na nga ang kalsada, baku-bako pa karamihan. ‘Yong dating 20% kickback sa roadworks ay dumoble na sa 40%, bunyag ni Baguio City Mayor Benjie Magalong. Nag­sisilbi pang supplier at kontratista ang politiko para mas malaki ang kita. Labag ‘yan sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Korapsyon ang ugat ng lahat ng suliranin ng bansa. Bakit kaduda-duda ang resulta ng mga halalan? Kasi nasusuhulan ang Comelec para labagin ang Automated Election Systems Law.

Bakit mahal ang bilihin? Kasi puro raket ang opisyales sa pier. Kinikikilan ang mga nagba-barko, na nagpapasa ng gastos sa mamimili.

Bakit walang tulong sa mga magsasaka? Bakit lumalala ang krimen? Bakit paulit-ulit ang baha? Bakit laganap ang sakit? Bakit bagsak ang mag-aaral natin sa lahat ng international tests sa Sciences, Math at Reading Comprehension? Lahat ‘yan ay dahil sa suhol at pagbubulsa ng pera ng gob­yerno. Walang natitira para sa mga programa.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with