^

PSN Opinyon

Sakit sa puso

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

BILANG espesyalista sa puso, sari-saring sakit sa dibdib ang kinukunsulta sa akin.

Kung ang sakit sa dibdib ay parang tumutusok, hindi iyan sa puso. Kung ang sakit ay nasa kanang bahagi ng dibdib, hindi rin iyan sa puso. Kadalasan ay nagmumula sa masel ng dibdib ang pagkirot. Baka natulog ka sa matigas na higaan. Baka nagbuhat nang mabigat at na i-sprain ang laman. Ang solusyon dito ay pahinga lamang.

May dalawa pang tanong para masuri kung galing sa puso ang pananakit. Una, kaya mo bang ituro ng isang daliri ang pa-nanakit sa dibdib? Kapag naituro ng pasyente ito, hindi iyan sa puso. Ang sakit sa puso ay hindi maituro ng isang daliri.

Pangalawa, gaano ba katagal sumasakit ang iyong dibdib? Kapag wala pang isang minuto ang tagal ng sakit o dili kaya lampas isang oras ang kirot, siguradong hindi iyan sa puso. Ang tunay na sakit sa puso ay mula limang minuto hanggang 15 minutos lamang.

Ano ba talaga ang sakit na galing sa puso? Ang sakit sa dibdib ay sinasabing mabigat at parang may nakadagan­ sa dibdib. Ang sakit ay tumatagal lang ng 5 hanggang 15 mi­nutos. Dumarating ang sakit kapag napapagod, nag­lakad nang malayo o umakyat ng hagdan.

Madalas magkaroon ng sakit sa puso ang mga kalalakihan, mula 50 edad pataas. Kung may katabaan, may diabetes, o may lahi ng sakit sa puso, malaki ang tsansa na baka puso ang diperensiya. Sa ganitong sitwasyon, mag­patingin sa doktor.

Pero kung bata ka pa naman, wala pang edad 30, lalo na kung babae ka, halos sigurado ako na hindi sa puso ang problema. Huwag mangamba.

PUSO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with