^

PSN Opinyon

PhilHealth Z Benefit sa prostate cancer, nakaambang palawigin

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

TALAGANG hindi maaawat ang PhilHealth sa pagpapalawak sa benepisyong ibinibigay sa mga miyembro nito. Nakatakda na namang dagdagan nito ang benefits sa mga pasyenteng may prostate cancer.

Sabi nga, “health is wealth”, kaya naman sa ilalim ng Universal Health Care Law na gumagabay sa PhilHealth, patuloy nitong dinaragdagan ang mga benepisyo sa mara­ming karamdaman. Ang prostate cancer ay pangatlo sa mga pangkaraniwang seryosong sakit na dumarapo sa mga lalaki.

Ang panganib na magkaroon ng sakit na ito ay lumalaki habang nagkakaedad ang isang lalaki. Mahalagang tala­kayin natin ito lalo pa’t ginugunita ang Prostate Cancer Awareness Month ngayong Hunyo. Importanteng sumailalim lagi sa colorectal examination ang mga kalalakihan upang ma­agapan ang sakit na ito.

Wika nga, ang early detection ay mahalaga para siguradong magamot ang sakit.

Gaya ng ibang karamdaman, marapat dagdagan ang bene­pisyo para sa prostate cancer upang gumaan ang mga nararapat bayaran, lalo na ang mga maralitang pasyente.

Kamakailan lang, nagpatupad ng pangkalahatang dagdag-benepisyo ang PhilHealth na nasa 30 percent sa halaga nang maraming kaso ng karamdaman. Libu-libong benefit­ package ang nasaklaw para sa iba’t ibang medical con­ditions at surgical procedures. Malaki ang naitulong nito upang gumaan ang pasaning pinansiyal ng mga pasyente.

Ngayong taon, itinaas ng PhilHealth ang benefit package para sa breast cancer ng hanggang P1.4 milyon mula sa dating P100,000.

Marami pang mga karamdaman ang nakatakdang maragdagan ang PhilHealth benefit. Kasama diyan ang:

Kidney transplant, open heart surgery, cervical cancer, peritoneal dialysis kasama rin ang malalang kaso ng dengue­ hemorrhagic fever, chemotherapy sa ilang piling kaso, bron­chial asthma, bacterial sepsis, ischemic heart disease, cataract extraction at COVID 19.

Kaya naman ating abangan ang anunsiyo ng PhilHealth tungkol sa pagtaas ng Z Benefit para sa prostate cancer, pati na ang iba pang mga benefit packages ng ahensiya.

vuukle comment

PHILHEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with