^

PSN Opinyon

China aktibo sa pang-eespiya

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Kung noong World War II ay mayroong isang Germany sa pamumuno ng diktador na si Hitler, ngayon ay may isang China na pinamumunuan ni Xi Jinping. Pareho silang may layu­ning sakupin ang daigdig ngunit ang gamitng China ay makabagong teknolohiya  sa paniniktik.

Ang China ay may isang Ministry of State Security na ang nangungunang layunin ay espionage o paniniktik hindi lamang sa mga dayuhang gobyerno kundi sa mga korpo­rasyon upang mangalap ng mga corporate at state secrets sa pamamagitan ng cyber hacking. At mukhang sa ibang mga bansa ay nakapag-deploy na sila ng mga espiya na umuukopa na ng mataas na puwesto sa pamahalaan.

Kaya ang pagkakalantad ng pagkatao ng isang municipal Mayor ng Bamban, Tarlac na hinihinalang hindi Pilipino kundi isang Chinese ay nakababahala dahil sa posibilidad na maaaring pati makinarya ng ating pamahalaan ay puwedeng infiltrated na ng mga Tsino na nagpapanggap na Pilipino.

Bagamat iginigiit ni Bamban Mayor Alice Guo na ang ina niya ay isang Pilipinang nakarelasyon ng kanyang ama na purong Tsino, ibinunyag ni Sen. Sherwin Gatchalian na batay sa personal niyang pagsisiyasat, nagsisinungaling si Guo dahil ang ipinakikilalang ina nito nang siya’y taga-Valenzuela pa ay isang pure Chinese na ang ngalan ay Lin Wen.

May hawak na dokumento si Gatchalian upang patunayan ang kanyang sinabi at walang dahilan para hindi ito paniwalaan. Tubong Valenzuela si Gatchalian na ang angkan ay bantog sa pagnenegosyo. Aniya, kapitbahay pa nila ang sinasabing tinirhan ng pamilya ni Guo.

Bakit kinukuwestiyon nina Senate President Chiz Escudero at Sen. Koko Pimentel ang anila’y paglilihis sa isyu ng POGO sa imbestigasyon? Gaya ng nasabi ko na kahapon, mas dambuhala at seryosong usapin ang posibilidad na pinasok na ng mga espiyang Tsekwa ang ating gobyerno.

HITLER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with