^

PSN Opinyon

Tamang pag-aalaga sa mga mata

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Huwag pabayaan ang mga mata. Maari itong magkasakit at masira kapag pinabayaan. Para makaiwas sa mga sakit tulad ng glaucoma, diabetic eye disease at katarata, sundin ang mga sumusunod na payo:

1. Kumain ng pagkaing mabuti sa mata. Ang maber­­deng gulay tulad ng kangkong, broccoli, talbos ng kamote at spinach ay nagpapalinaw ng paningin. Mayaman ito sa anti-oxidants, vitamin A, C, E. Subukan ang kahel, manga at melon. Siyempre ang mapupulang karot, kalabasa at ka­matis ay may taglay na vitamin A para sa mata. Ang dilaw na pakwan ay may sangkap na lutein na kailangan ng mata.

2. Ang pagkain ng matatabang isda tulad ng tambakol, tuna, tamban, tawilis, dilis, hito, hipon, salmon, alumahan, tanigue, tulingan at salinyasi ay mahalaga. Mayaman ang mga ito sa omega-3 fatty acids.

3. Magsuot ng sunglass. Bukod sa pagiging sosyal at “in,” pinuprotektahan ng sunglass ang ating mata laban sa masasamang ultraviolet rays ng araw. Ang ultra­violet rays (UV rays) ay puwedeng “makasunog” sa looban ng ating mata (ang retina). Bumili ng sunglass na may markang UV-A at UV-B protection.

4. Mag-ehersisyo. Alam ba ninyo na ang 30 minutos na ehersisyo ay puwedeng magpababa ng pressure ng mata? Ang paghinga ng malalim at pag-relaks ay makatu­tulong din sa sakit na glaucoma, kung saan mataas ang pressure ng mata.

5. Mag-ingat sa sports. Puwedeng magsuot ng espes­yal na protection eye glasses na nabibili sa mga sports shops. Gawa ito sa polycarbonate, isang uri ng matigas na plastic. Nakita mo ba ang mga NBA players na may suot na salamin? Ito’y para protektahan ang kanilang mata.

6. Maghugas palagi ng mga kamay. Para makaiwas sa sore eyes, maghugas lagi ng mga kamay. Huwag ding basta-bastang magkamot o punasan ang mata. Gumamit ng panyo o tissue.

7. Ipahinga ang mata. Puwede mong ipikit ang mata habang ika’y nakasakay sa kotse o kaya ay may kinakausap sa telepono. Matulog din ng 7-8 oras.

8. Maghugas ng mata sa paggising at bago matulog. Gumamit lang ng malinis na tubig.

9. Ipa-check ang iyong blood sugar. Kung ika’y may diabe­tes, malaki ang tsansang mag­karoon ng diabetic eye disease. Siguraduhing mababa ang iyong blood sugar sa pamamagitan ng ehersisyo at gamot.

10. Umiwas sa nakasi­silaw na bagay. Huwag tum­itig sa araw at maliwanag na ilaw. Ito ang pinakamahalagang payo para hindi masira ang ating mata. Subukan ding diliman ang computer screen at telebisyon para hindi tayo masilaw.

11. Huwag manigarilyo.

12. Ipagamot ang mga sakit tulad ng high blood, diabetes at alamin ang sakit sa pamilya.

13. Magpa-check-up ng mata. Kung edad 40 pataas, kailangan kada 2-4 taon, sa edad 60 pataas kada 1-2 taon.

14. Narito ang tips sa mga senior citizen na malabo ang mata: 1) Liwanagan ang mga ilaw sa bahay para hindi madapa; 2) Lakihan ang sulat sa mga gamit at telepono; 3) Lagyan ng mga colored tapes sa hagdan para hindi mahulog; 4) Kailangan ang electrical outlet at switches ay nakikitang mabuti; 5) Uminom nang sapat na dami ng tubig para maiwasan ang dry eyes.

MATA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with