^

PSN Opinyon

Binastos si Senator Bato

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

BINASTOS ng gambling operators sa Region 1 si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa. Hindi pinakinggan si Bato ng operators ng pergalan nang pakiusapan niya matapos ang pagdinig ng Senate Committee on Peace and Order and Illegal Drugs kamakailan.

Ayon kay Bato, chairman ng komite, kahiya-hiya kapag hindi napigil ang gambling operations sa Regon 1. Nabanggit din sa pagdinig ang ginagawang ­pangongotong ng kapulisan sa mga gambling operators. Ayon kay Bato, wala nang dahilan upang mangotong ang mga pulis dahil mataas na ang sahod ng mga ito.

Patuloy ang pergalan sa Region 1 at tila inutil na nga ang kapulisan. Marami pa ang nagsibukasang pergalan sa area of responsibility ni Ilocos Region police director Brig. Gen. Lou F. Evangelista.

May bagong bukas na pergalan sa isang barangay sa Naguillan, La Union na inooperate ni Rolando Garcia.  Kaanu-ano kaya siya ni Second District Representative Dante Garcia?

Patuloy din ang mga pergalan ni Mr. Tuyoy sa ­maraming bayan sa La Union.

Tumindi rin ang pergalan  ni Mr. Ibasan sa maraming bayan sa Pangasinan.

Matigas talaga ang mga operator ng mga pergalan dahil hindi sila nasindak kay Senator Bato. Wala nang takot ang mga operator. Bakit kaya?

Mayroon silan sinasandalang papel?

Kung ganun dapat buwagin ang pader. Sino ang bubuwag? Ang mga law enforcement agencies na nagbubulag-bulagan at magbingi-bingihan?

* * *

Para sa suhestiyon: [email protected]

vuukle comment

DRUGS

GAMBLING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with