^

PSN Opinyon

Kaugnayan ng pagmimina sa landslides sa Davao de Oro

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

DALAWAMPU’T PITO na ang namamatay at 100 pa ang nawawala sa landslides sa Maco, Davao de Oro. Isang 3-taong gulang na bata naman ang nailigtas makaraang mabaon ng 60 oras sa putik. Karamihan sa mga namatay ay mga manggagawa ng Apex Mining Co. kung saan nakasakay sila sa dalawang bus na maghahatid sa kanila pauwi nang mangyari ang landslides. Ang grabeng pag-ulan sa rehiyon ang itinuturong dahilan ng landslides.

Subalit hindi naman maaalis isipin ang kinalaman ng pagmimina sa mga naganap at magaganap pang pagguho ng bundok, hindi lamang sa Davao de Oro kundi sa maraming lugar sa bansa.

Ang nangyari sa Davao de Oro ay naghahatid ng pangamba at agam-agam sa mamamayan ng Itogon, Benguet kung saan may expansion application ang Itogon Suyoc Resources Inc. (ISRI) sa nasabing lugar. Ang ISRI ay subsidiary ng Apex Mining. 

Ang trahedya sa Davao de Oro ay hindi malayong mangyari rin sa Itogon. Ang pagsira sa kapaligiran ay pinagbabayaran. Gumaganti ang kalikasan. Bumabalik sa pamamagitan nang malalagim na trahedya. Marami nang nangyaring trahedya. Marami nang nalibing nang buhay.

Madaling maikakatwiran ng Apex Mining na ang trahedya sa Davao de Oro ay nangyari dahil sa natural occurrence ng kalupaan kapag nababad sa tubig dulot nang matagal na pag-ulan. Mapapaniwala na nila ang Mines and Geo­sciences Bureau ng DENR kapag nagkaroon ng imbestigasyon.

Nakapagtataka lang kung bakit hindi gumagawa ng paraan ang Apex Mining para maiwasan ang landslides o pagguho. Alam naman siguro ng kanilang mga engineer ang character ng lupa sa lugar bago sila magmina. Hinintay pang may mga magbuwis ng buhay.

Iyan ang pinangangambahan ng mga taga-Itogon sa ginagawang expansion ng ISRI. Maaaring dumating ang panahon na maningil ang tinampalasang kapaligiran at maraming buhay ang masayang.

* * *

Para sa suhestiyon: [email protected]

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with