‘Hari ng Pergalan’ sa Pangasinan
LAGANAP ang “pergalan” (peryahan at sugalan) sa mga bayan sa Pangasinan. At ang operator ay si Mr. R. Ibasan—tinaguriang “Hari ng Pergalan” sa Pangasinan.
Nagpapasugal si Mr. Ibasan sa Alaminos, Bugallon, Sta Barbara, Malasiqui, Mangaldan, San Jacinto, Manaoag, Bani at Urdaneta City.
Nagpapalipat-lipat lamang sa anim na distrito ng Pangasinan ang operasyon ni Mr. Ibasan dahil matibay ang sandalan niya sa Pangasinan police provincial office.
Hindi rin matibag ang protektor ni Mr. Ibasan sa Pangasinan provincial governor’s office.
Ang Pangasinan ay may 44 na bayan at apat na siyudad. Malayang nakapagpapasugal dito si Mr. Ibasan all-year-round.
Kabisado na niya ang sistemang pamimili sa mga awtoridad para walang gagambala sa kanyang illegal na negosyo.
Matagal nang nag-ooperate ang mga pergalan si Mr. Ibasan sa buong Pangasinan. Milyun-milyon na ang kanyang naipon dahil sa illegal na sugal na ang mga parukyano ay mamamayang lugmok sa kahirapan ang buhay—karamihan mga isang kahig isang tuka.
Ang malaking tanong: Sumuko na kaya si Gov. Ramon Guico III at iba pang mga opisyal ng Pangasinan sa gawain ni Mr. Ibasan.
At ang PNP nabahag na rin ba ang buntot sa “Hari ng Pergalan” na si Mr. Ibasan?
* * *
Para sa suhestiyon: [email protected]
- Latest