^

PSN Opinyon

Kontratistang I-SWIMS, kita-kita tayo sa Senado!

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

NAGPAPAKITA ng kabastusan itong mapagsamanta­lang­ kontratista ng basura ng Quezon City, ang International Solid Waste Integrated Management Specialist, Inc. (I-SWIMS).

Binigyan sila ng BITAG ng pagkakataong marinig ang kanilang panig nitong nakaraang linggo hinggil sa reklamo ng mga kawawang basurero sa Payatas. Kasalukuyan, nasa 87 na ang bilang ng mga nagrereklamo sa Quezon City pa lamang.

Kundi ba naman mga sangkaterbang abusado, trinato ng I-SWIMS na parang mga “hampas-lupa” ang mga nagre­reklamong basurero na para bang kabahagi na sila ng basura at hindi mga tao.

Mantakin n’yo, mas mahal pa ang presyo ng hamburger sa mga fast food, P125 isang biyahe ng paghakot ng basura. Ang isang biyahe, umaabot ng apat hanggang limang oras.

Para madoble ang kita, magtrabaho ka ng 10-oras para makakuha ng P250. Ang mga kawawang basurero, gising na simula 4:00 ng umaga at uuwi sa kanilang mga pamilya ng 10:00 na ng gabi.

Para makalusot sa mga paglabag ng batas, tinatawag na “volunteer” ng I-SWIMS ang mga pobreng basurero. Pero oras na magkasakit ang basurero at hindi makapasok, ban na agad, tanggal sa trabaho.

Eto ba ang sinasabi n’yong volunteer, I-SWIMS? Ang kakapal ng mukha n’yo!

Sa pakikipagpulong ko noong Sabado kay Sen. Jinggoy Estrada, Committee Chairman on Labor, Employment and Human Resources Development ng Senado, dismayado ang Senador.

Sa pakikipag-usap ni Sen. Jinggoy sa mga nagrereklamo, nakita niya ang

katakut-takot na paglabag ng I-SWIMS sa karapatan at kapakanan ng mga basurero bilang manggagawa.

Isang patawag sa Senado ang hinahanda ngayon ni Sen. Jinggoy. Hindi puwedeng magmatigas o tumanggi ang inirereklamong I-SWIMS.

Ginigising ng BITAG hindi lang mga residente sa QC kundi maging ng iba pang siyudad sa Metro Manila. Pansinin niyong maigi, baka ganito rin ang trato sa mga basurero niyo dito sa NCR.

Oh ‘yung iba pang basurero sa ilalim ng I-SWIMS sa iba pang lugar sa Metro Manila o karatig-probinsiya, inaabuso ba kayo?

Sige ipa-BITAG n’yo. Ibalato niyo sa akin, ako si BEN TULFO!

vuukle comment

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with