Mahapdi ba ang sikmura mo
Lahat ay nakararamdam ng paghapdi ng sikmura. Naglalabas kasi ng sobrang acid kaya humahapdi ang sikmura. Ang tawag dito ay gastritis o hyperacidity at kung lumala ay puwedeng maging ulcer.
Hindi lang gamot ang solusyon sa paghapdi ng sikmura. Narito ang ilang lunas na maaring gawin:
1. Kumain ng pakonti-konti pero madalas sa isang araw. Halimbawa, kumain ng 7:00 ng umaga. Magsaging ng 10:00 a.m. Mag-lunch ng kaunti lang. Magmeryenda ng tinapay sa 4:00 p.m.. Mag-dinner ng 7:00 ng gabi. Kahit busy ka sa trabaho, huwag kalimutang kumain sa oras. Ingatan ang tiyan.
2. Kumain ng saging. Napaka-healthy ng prutas na ito. Ang saging ay parang gamot din dahil natatapalan nito ang ating sikmura. Saging ang baon ko at kinakain kapag humahapdi ang sikmura.
3. Uminom ng tubig pakonti-konti. Malaki ang naitutulong ng pag-inom ng tubig sa paglinis ng acid sa tiyan. Ang tamang pag-inom ay ang paglagok ng konting tubig bawat 20 minutos. Sa ganitong paraan, mahuhugasan at malilinis ang acid sa tiyan.
4. Umiwas sa maasim at maanghang na pagkain. May mga pagkaing sadyang nakahahapdi ng tiyan. Umiwas sa mga sobrang spicy na pagkain. Ang sili, kalamansi, suka, sinigang na sobrang asim at pineapple juice na puro ay puwedeng magdulot ng paghapdi ng sikmura. Ang sobrang lamig na inumin ay nakakairita rin ng tiyan.
5.Sa aking palagay, hindi na kailangan ng gamot sa ordinaryong paghapdi ng sikmura. Kumain na lang ng mga pagkaing ikaka-relax ng ating tiyan. Mag-relax din habang kumakain para hindi ma-stress ang katawan.
- Latest