^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ayudahan, jeepney drivers na apektado ng modernization

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Ayudahan, jeepney drivers na apektado ng modernization

Sa Linggo (Disyembre 31) ay huling araw para sa consolidation ng mga pampublikong sasakyan sa buong bansa, partikular ang mga jeepney para makabuo ng kooperatiba. Paglampas ng Disyembre 31 at hindi pa rin naku-consolidate ang mga jeepney, maituturing na itong colorum at puwede nang hulihin ng Land Transportation Office (LTO). Tinatayang 100,000 ang mga jeepney na hindi pa naku-consolidate. Maraming beses nang ipinagpaliban ang pagpapatupad ng PUV Modernization Program para makapagbuo o magsasama sa kooperatiba ang mga grupo ng jeepney operators pero hanggang ngayon, hindi sila sumusunod.

Nanindigan naman ang Department of Transportation (DOTr) na wala nang pagpapalawig sa deadline. Ipatutupad na ang PUV Modernization na matagal na umanong naatrasado dahil sa laging pagpapaliban nito.

Ayon kay DOTr Undersecretary John Batan, hindi na magbabago ang desisyon ng pamahalaan sa itinakdang deadline ng consolidation. Tuloy na umano ang jeepney modernization program sa kabila na humihiling ang jeepney groups na mapalawig pa ang deadline sa consolidation.

Matigas namang nanindigan ang ilang jeepney groups na hindi sila pasasailalim sa consolidation. Kahit pa raw ipagpilitan ito sa kanila ay hindi sila susunod. Ayon kay Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (Piston) national president Mody Floranda, pahirap sa jeepney operators at dri­vers ang consolidation dahil ang nanga­ngasiwa sa kooperatiba lamang ang makikinabang. Mahigit P300,000 umano ang membership fee na kinukuha sa bawat jeepney operator para makapagmiyembro sa kooperatiba. Saan aniya kukuha ng ganito kalaking halaga ang operator.

Sabi ni Floranda, nagsampa na sila ng apela sa Supreme Court para makahingi ng temporary restraining order (TRO) sa PUV Modernization. Hinihintay na umano­ nila ang pagbaba ng desisyon at naniniwala silang kakampihan ng kataas-taasang hukuman. Sinabi rin ni Floranda na bago ang Disyembre 31, magsasagawa muli sila nang malawakang tigil pasada upang iparating sa pamahalaan ang kanilang kahilingan.

Tuloy ang modernization sa kabila ng bantang strike ng jeepney groups. Hindi na magkakaroon ng extension­. Ang tiyak na kawawa ay ang jeepney drivers. Kapag hindi pumasada, wala silang kita. Gutom sila at kanilang pamilya. Kung wala nang paraan para sa problemang ito, nararapat ayudahan ng pamahalaan ang mga apektadong driver. Ito lamang ang tanging paraan para hindi sila magutom. Kung magtatagal ang jeepney strike, pasanin sila ng pamahalaan. Ganunman, hindi ito dapat maging hadlang para hindi ituloy ang PUV Modenization.

CONSOLIDATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with