^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Huwag limusan ang mga pulubi

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Huwag limusan ang mga pulubi

Nagkalat ang mga namamalimos na pulubi sa ma­­raming lugar sa Metro Manila. Karamihan sa ka­nila ay ang mga Badjao na nag-uunahang sumampa sa dyipni­ at nag-aabot ng nanggigitatang sobre. Kara­niwang mga batang lalaki at babae ang mga suma­sampa sa dyipni. Mayroong nagtatambol habang pina­mudmod ng kasamang bata ang mga sobre. Ila­lagay sa kandu­ngan ng mga pasahero. May mga pasaherong nagsi­silid ng barya sa sobre at meron ding dinidedma ang nakapatong na sobre sa kandu­ngan. Pagkatapos kolek­tahin ng bata ang mga sobre ay bababa na ito at saka lilipat sa iba pang dyipni.

Habang abala ang mga bata sa pagsampa sa dyipni para mamalimos, may mga babae naman o mga ina na karga ang kanilang sanggol at namama­limos sa mga nakatigil na sasakyan sa trapik. Kina­katok ang bawat bintana ng sasakyan. Hindi lamang mga babae o ina, mayroon ding mga lalaki o ama na may karga ring sanggol at namamalimos.

Bukod sa mga namamalimos na Badjao, may mga pulubi ring naka-wheelchair, nakasaklay at may iika-ika sa paglalakad ang namamalimos sa kalye. Pagtigil ng mga sasakyan sa stop light, lalapit na ang mga namamalimos at kakatukin ang bintana ng mga sasakyan.

Dumarami pang lalo ang namamalimos habang pa­palapit ang Pasko. Hindi lamang mga Badjao ang ma­aring maging laman ng kalye sa Metro Manila kundi pati na rin ang mga katutubong Aeta. Tuwing magpapasko, humuhugos sa Metro Manila ang mga Aeta—kasama ang mga maliliit na anak. Karamihan sa kanila ay nasa center island ng mga pangunahing kalye at doon na natutulog. Nakalahad ang kanilang mga kamay na humi­hingi ng limos.

Dapat bang maglimos sa mga pulubi? Ito ang matagal nang tanong ng mamamayan na hanggang ngayon ay marami pa ring nalilito. Sabi ng Department of Social Welfare and Developmant (DSWD), huwag maglimos sa mga pulubi o mga palaboy sa kalye. Mayroon na umano silang programa para sa mga pulubi at mga pa­laboy. Nakipag-ugnayan na umano ang DSWD sa Commission on Human Rights para katulungin sa inilunsad nilang “Oplan Pag-abot”.

Sa ilalim ng programa, pagtutulungan nilang ibalik sa probinsiya ang mga street dwellers at imumungkahing maisama ang mga ito sa Pantawid Pamil­yang Pilipino Program (4Ps) at iba pang programa ng pama­halaan. Tutulungan ang mga ito ng social workers na maisaayos ang buhay sa pagbabalik nila sa probinsiya.

Hinihimok ng DSWD ang mamamayan na huwag limusan ang mga pulubi sapagkat labag ito sa batas. Maaaring­ makasuhan ang maglilimos sa ilalim ng Presidential Decree 1563 o Mendicancy Law. May kaparusahan itong apat na taong pagkakabilanggo at P1,000 na multa.

OPLAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with