^

PSN Opinyon

Hindi pagkakaunawaan ng CCG at PCG

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

HANGGANG ngayon, patuloy pa rin ang sigalot ng China Coast Guard at  Philippine Coast Guard sa pinag-aagawang teritoryo West Philippine Sea o South China Sea.

Sa nangyayaring ito, posibleng magkapalitan ng putok lalo na sa side ng China Coast Guard. Mas marami ang kanilang vessels ikumpara sa atin na ilan lang at ginagamit pa sa pagdadala ng supply sa mga sundalo na nagbabantay sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Panay na panay naman ang pambu-bully ng China Coast Guard sa Philippine Coast Guard.

Ang tanong, bakit patuloy ang senaryo na ito na kung tutuusin may pangako na ang diplomatic office o higher-up nila na hindi na mauulit ang nasabing hidwaan sa karagatan ng WPS o SCS?

Totoong hindi lulubayan ng China ang claim nito sa WPS o SCS, ngunit maari naman sigurong simulan natin sa mahinahon na pag-uusap sa pagitan ng dalawang Coast Guard.

Kasi naman hindi nga magkaintindihan ang mga sundalo sa baba kung language  ang pag-uusapan. Magkaiba ang  lingguwahe nila at hindi talaga sila magkaintindihan.

Kung sana  may pagkaintindihan ang dalawang panig maiiwasan siguro nang kahit kaunti man lang.

Magkaroon man lang sana ng dayalogo sa pagitan ng mga nasa baba ng dalawang panig o sa mga sundalo natin at nang mabawasan ang friction sa pagitan nila.

Masubukan nga.

vuukle comment

PCG

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with