^

PSN Opinyon

Saan ang punta ni Digong, sa Kongreso o Senado?

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

KAMAKAILAN lang, nadulas sa hagdan ng kanilang bahay sa Davao City si dating President Rodrigo Duterte. Agad siyang dinala sa emergency room ng Davao Doctors Hospital. Isinailalim siya sa x-ray. Hindi naman siya na-admit at agad ding pinauwi pagkatapos ma-clear ang kanyang x-ray.

Nagkataon naman na nagkakagulo noon ang Kongreso. Inaway siya ng mga kongresista dahil sa kanyang mga maaanghang na salita.

Tinanggihan kasi ng House Appropriations Panel and hinihinging confidential funds para sa Office of the Vice President at Department of Education (DepEd) na pinamunuan ng kanyang anak na si Sara.

Agarang nagpalabas ng House Resolution 1414 na nagtatawag sa mga kongresista  to “(uphold) the inte­grity and honor of the House of Representatives” after Duterte said on live television that Congress was “the most rotten institution” in the country and that Speaker Romualdez was allegedly engaged in corrupt activities,” sabi ni Duterte.

Palaban ang dating Presidente sa ginawa ng mga kongresista. Hinamon pa niya ang mga ito na dapat sumailalim sa audit ang funds na natanggap nila.

Walang pakialam si Duterte kung mag-alisan man ang mga kaalyado sa Partidong Demokratikong Pilipino-Laban ng Bayan (PDP-Laban).

Kaya nang madulas si Duterte sa hagdan sa kanilang bahay, ang tanong ngayon ay “Ano ba talaga dating President Duterte, saan mo ba talaga gustong pumunta?”

Gusto mo ba sa Kongreso o sa Senado?

Tiyak maraming naghihintay sa pagdating mo kung tatakbo ka sa 2025 midterm elections.

vuukle comment

EMERGENCY

HOSPITAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with