Gen. Delvo at Mayor Baste, hindi nag-aaway!
TINULDUKAN ni PRO11 regional director Brig. Gen. Alden Delvo ang balita na nagkakainitan sila ni Davao City Mayor Baste Duterte. Kumalat kasi sa Camp Crame na may hindi pagkaunawaan sina Delvo at Baste dahil sa raid sa “tupada”. At ang pinakamatindi ay hinihirit umano ni Baste na ipa-relieve si Delvo. Tsk tsk tsk!
“All is well sa amin ni Mayor Duterte,” ani Delvo. Sa katunayan, masinsinan silang nag-usap sa nakaraang Biyernes sa Regional Peace and Order meeting kung saan si Baste ang chairman at si Delvo naman ang vice chairman. O hayan, maliwanag pa sa sikat ng araw ang paliwanag ni Delvo, ha mga kosa? Mismooooo!
Kung sabagay, parang younger brother na ang turing ni Delvo kay Baste. Kasi nga, palaging magkasama ang magbarkada na sina Delvo at Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte at ‘yaon ay halos 9 years old pa lang si Baste. Ang mayor ng Davao City noon ay si Tatay Digong kaya masasabi ng mga kosa ko na “bagyo” si Delvo sa pamilya Duterte. Get’s n’yo mga kosa?
Kaya may say talaga ang mga Duterte kung sino ang malalagay at matitigbak na hepe ng PRO11. Hindi lang ‘yan! Palagi ring kasama ni Delvo si Baste sa bike ride, na hobby ng kanyang anak at ni Mayor Duterte. Gym rat din si Baste at mahilig mag-motor at kasabay palagi ang anak ni Delvo. Dipugaaaaa! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Hindi naman madaling masibak sa puwesto si Delvo kasi perennial awardee ang PRO11 mula nang maupo siya sa trono. Sa nakaraang 1st Area Police Command-Eastern Mindanao Police Service Anniversary na ginanap sa APC-Em Campsite sa Tapay St, New Loon, Bago Oshiro, Tugbok District, nakamit ni Delvo ang Best Police Regional Office award.
“This recognition reflects the hard work and dedication of the ifficers and personnel within the PRO11,” ani Delvo. Ang esteemed guest ng event ay si Special Assistant to the President Sec. Antonio Ernesto “Anton” Lagdameo. Buking! “Trabaho lang ako to the best of my abilities,” ani Delvo. Ambot sa kanding nga may bangs!
Hindi lang ‘yan, hinakot din ng PRO11 ang mga awards sa Chief PNP Gen. Benjamin Acorda Jr. shooting competition na ang naglalaban ay ang iba’t ibang sangay ng PNP.
Si Delvo ang tinanghal na champion sa BGen category for Stock Hi-Cap at si Maj. Sheryl Bautista naman ang pumaibabaw sa PCO Lady category for Production Division. Hindi naman nagpahuli si SSgt. Hazel Ann Maureal na nanguna sa Lady PNCO category sa Stock Hi-Cap. Ang Acorda cup mga kosa ay inilarga para i-promote ang unity at excellence sa hanay ng kapulisan sa gun handling at marksmanship. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Si Delvo ay magreretiro na in six months. Subalit kapag na-implement ang PNP reorganization law sa Enero ay plus one year pa ang kanyang termino. Kung gagawing basehan ang mga accomplishments ni Delvo, abayyyyy mapalad ang PRO11 at nagkaroon sila ng RD na masipag at dedikado sa trabaho. Mismooooo! Abangan!
- Latest