^

PSN Opinyon

Napakaagang siraan

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

SA 2028 pa ang national elections ngunit kahit ganito pa kaaga, laganap na ang paninira sa kung sinumang sa tingin nila ay potensiyal na tatakbo at maging kalaban nila sa halalan.

Kaya kahit ganito pa kaaga, grabe naman ang pagkalat ng black propaganda, siraan dito, siraan doon, walang humpay.

Di na nga natuto ang ibang pulitiko at talagang sumakay na sa laro ng paninira.

Ganito kasi ‘yan, kapag ginugugol nila ang lahat ng kanilang oras at ang lahat ng kanilang resources o kayamanan sa maagang paninira mauubos din ang oras nila.

Hanggang dumating na ang eleksyon at nauubusan na sila ng panahon na i-promote o ibenta ang mga sarili nila sa mga botante,

Mali ang akala nila na kung sisiraan nila ang mga kalaban nila at hindi man lang nila maipakilala ang sarili.

Sa katatapon nila ng basura sa mga kalaban a pulitika, nakalimutan nilang may sarili rin pala silang basurang dapat linisin at pabanguhin ang mga sarili nila.

Kasi kung maubusan ka na ng panahon sa pagpapakilala sa iyong sarili at kung ano ang mga maganda mong katangian at kung bakit dapat ka nilang iboto, mawawalan ka rin ng botong sa tingin mo ay dapat sa iyo ngunit “sorry” at ika’y natalo.

vuukle comment

ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with