^

PSN Opinyon

Mahalaga ang pag-aalmusal

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Pinakamahalaga ang pagkain ng almusal.

Narito ang mga benepisyo:

1). Ang mga batang nag-aalmusal bago pumasok sa school ay napatunayang masigla at matalino; 2) Sa mga empleyado at mga manggagawa, may sapat silang ener­hiya sa trabaho; 3) Malaki ang tulong ng pag-aalmusal sa mga nagdidiyeta dahil hindi gugutumin at mapapakain nang marami sa tanghalian.

Narito ang masustansyang almusal:

1. Isda at gulay

Ang pritong bangus at gulay na monggo, pechay o kang­kong ay masustansya at masarap pa. Ang sardinas at dilis ay napakasustansya rin. Mataas ito sa protina at calcium.

2. Gatas o yogurt

Kumpleto ito sa protina, carbohydrates at fats. Ang skim milk o yogurt ay bagay sa may katabaan, may diabetes at may mataas na kolesterol.

3. Itlog

Kung wala namang sakit sa puso o problema sa koles­terol, puwede kang kumain ng isang itlog bawat araw. Ang nilagang itlog ay masustansiya at nagpapalakas.

4. Prutas

Tulad ng saging, mansanas, papaya at mangga ay sagana sa bitamina at minerals. Limitahan lang sa 1-2 piraso ito o 1-2 hiwa ng mangga lang para hindi ka tumaba.

5. Oatmeal

Ang pagkain ng 1 tasang oatmeal bawat araw ay pu­we­deng magpababa ng ating kolesterol sa dugo ng 10%.

6. Cereals

May kamahalan lang ang cereals pero sagana ito sa bitamina at minerals. Kapag inihalo ito sa gatas ay talagang masustansya ito.

ALMUSAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with