Kapag kumakain ako ng gulay, pakiramdam ko ay umiinom na rin ako ng tableta ng vitamins, minerals, fiber at anti-oxidants. Ito’y dahil sa mga masustansiyang sangkap ng gulay.
Alam n’yo ba na…
1. Ang sobrang pagkain ng karne ng baboy at baka ay pinaniniwalaang nakakapagdulot ng cancer, tulad ng breast cancer.
2. Ang pagkain ng gulay ay nakatutulong sa pag-iwas sa cancer.
3. Ang gulay ay makatutulong sa pagbaba ng cholesterol, pag-normal ng pagdumi at pag-iwas sa diabetes at sakit sa puso.
4. Hindi bawal ang pagkain ng gulay sa anumang sakit. Puwede ito sa may high blood, goiter, arthritis, sa buntis at sa bata. Sa katunayan, may tulong ito sa maraming sakit.
5. Ugaliing kumain ng dalawang tasang gulay araw-araw para sa iyo at iyong pamilya.
6. Nasa ibaba ang mga gulay na maaari ninyong isama sa listahan. Ang mga ito ay masustansiya na mahalaga sa ating katawan:
1. Okra
2. Pechay
3. Malunggay
4. Carrots
5. Patola
6. Baguio beans
7. Cabbages
8. Spinach
9. Broccoli
10. Monggo beans
11. Kangkong
12. Shitake mushrooms