^

PSN Opinyon

Lumiwanag na ang ‘tabakuhan’ sa Metro!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

NAMANA ‘ata ni kosang Koi Hipolito Laura ang bolang kristal ng namayapang fortune teller na si Madam Auring. Isinalarawan kasi ni kosang Koi itong nagdaang panghaharabas ng Gcash Boys ni RSOG chief Lt. Col. Edmar Christian Allen Tuburan na “labo lang bago linaw.”

“Kosa matic na ‘yan, labo muna bago linaw, magpapa­kilanlanan muna sila kung sino ang mga bagong kolektong ‘yan po ang komento ni kosang Koi.  At mukhang eksakto naman ang tinuran ni kosang Koi. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang talaga, no mga kosa? Mismooooo!

Matapos kasi magdeklara ng “no take policy” sa illegal­ gambling si NCRPO chief Brig. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez, abayyyyyy kaliwa’t-kanang raid ang isinagawa ng Gcash Boys na naging dahilan para magsarahan ang “kabakuhan” sa Metro Manila. Kasi walang kasiguruhan na hindi tatamaan ang mga “players” dahil mahigpit na pinaiiral ng Gcash Boys ni Tuburan ang “no take policy” ni Gen. Nartatez. Kapag inabot ka ng huli, abayyyyyy masakit din sa bulsa ang P30,000 na piyansa bawa’t isang ulo. Ano pa nga ba? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Kapag itinuloy ng Gcash Boys ang pangwasiwas nila sa Metro Manila, hindi lang naman ang mga “players” ang maapektuhan kundi maging ang mga District Directors, Chief’s of Police at Station Commanders. Saan nila kukunin ang budget para sa anti-criminality campaign nila? Sa kapiranggot na Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng PNP?

Open-secret naman sa mga “players’ din kinukuha ng mga pulis ang anti-criminality budget nila at alam ng mga Gcash Boys ‘yan. Kaya lang hindi makapagreklamo itong mga DDs, COPs at Statipn Commanders sa kalakaran ng Gcash Boys sa pangambang biglang maging CPNP si Nartatez sa December at lagot sila. Hehehe! Lintek lang ang walang ganti. Kaya’t pinapanood lang ng DDs, COPs at Station Commanders ang pananalasa ng mga Gcash Boys. Mismooooo!

‘Yung panahon na ‘yun, ang tinatawag ni kosang Koi na “labo.” Subalit itong nagdaang mga araw, mukhang naposasan ni NCRPO intel chief Col. Jess Mendez ang mga Gcash Boys dahil hindi na sila nanghuhuli. At higit sa lahat, biglang nagsulputang parang kabute ang mga sugal lupa sa Metro Manila. ‘Ika nga, happy days are here again.” May matandang kasabihan tayo na; “Sa kahaba-haba man ng prusisyon eh sa simbahan din hahantong.” Ambot sa kanding nga may bangs!

Kaya tama ang bolang kristal ni kosang Koi. Nagkalinaw na at “Oplan Pagpakilala” lang ang panghaharabas ng Gcash Boys ni Tuburan. Wala din pala. Gumawa lang ng takot para magpataas ng tara. Sino kaya ang matotokahang dumampot ng grasya? Eh di wow!

Mabuhay ka kosang Koi! Puwede ka ng pumalit kay Madam Auring!

Abangan!

FORTUNE

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with