^

PSN Opinyon

Scammer sa social media, dumarami! ‘Wag papabitag!   

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

NAGKALAT ang mga scammer! Mapa-social media, sa iba’t ibang mga tanggapan at opisina, isama narin natin ang mga scammer sa gobyerno.

Mabuti nga at natapos na ang simcard registration, tapos na ang maliligayang araw ng mga dorobo gamit ang sim card o telepono.

Ang bago na nilang palaruan ngayon, social media. Lalo pa silang lumakas at nagiging malikhain. Sandamakmak pa rin ang kanilang mga dummy account.

Marami sa mga biktima, na-recruit sa social media. Ang mga pobre, nakikipagsapalaran, sumusugal kahit na may pag­dududa sila. Kapani-paniwala raw kasi ang mga pinag­sa­sabi ng mga dorobo’t scammer kaya nagtiwala sila. 

Nadiskubre namin ito sa mahabang pila araw-araw sa aming BITAG Action Center.

Ang masaklap, saka lang sila lumapit sa amin kung kailan nabiktima na sila at nahingan na ng malaking pera.

Kaya patuloy na pinag-iingat ng BITAG ang publiko lalo na ang mga nagta-trabaho overseas na mahilig mag-­social media. Anumang trabaho na naka-post sa social media, iwasan niyo na! Anumang mga investment kuno o inaalok na negosyo, ‘wag n’yong pansinin!

Para makasiguro, makipag-ugnayan sa #ipaBITAGmo. Bumisita sa aming action center siguradong 1,000 percent, hindi ka mabibitag! 

Naisasakatuparan ng mga dorobo’t scammer na makum­binsi ang mga biktima nila dahil sa video call na nauuwi na ang biktima ay magpapadala ng bayad via wire transfer.

Ang mga scammer, matiyagang nakikipag-usap sa kani­lang target. Napapasunod nila na magbigay ng pera. Kapag nakapagpadala na ng pera ang biktima, agad nila itong iba-block sa social media.

Yung iba namang mga biktima na nare-recruit. Sa anu­mang kadahilanan nakakuha ng plane ticket at pasa­porte. Ang kanilang meeting place bago umalis ng bansa, sa labas ng NAIA. Doon nag-aabutan ng mga travel papers at dokumento­.

Pagpila nila sa Immigration, ang mga papeles peke pala! 

Kaya nitong mga nakaraag araw, nanawagan ang Bureau of Immigration sa publiko. Humihingi ng tulong sa PNP at sa mga LGU.  Bantayan raw ang labas ng airport sa mga nag-aabutan ng mga papeles. Magpakalat  raw ang mga alagad ng batas ng mga undercover na nakasuot ng plain clothes o simpleng damit.

Kayo naman dyan sa Immigration, trabaho nyo yan! Hulihin at i-offload ninyo ang mga pekendos!

Pulis ba kamo tutulong, mag-a-undercover para sa inyo?

Sus ginoo! Ang labo n’yo!

SCAMMER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with