Not once, not twice, not thrice, but more! Shacking talaga!
Sumusuporta ang BITAG sa lahat ng mga establisimentong pangnegosyo. Ang pagne-negosyo ay isang pribilehiyo at hindi karapatan. Pribilehiyo na may kaakibat na responsibilidad at pananagutan sa ating gobyerno sa kapakanan ng taumbayan. Pribilehiyo ang mabigyan ng business license, business permit o prangkisa. Kapakanan ng publiko ang sinisiguro ng pamahalaan na ang ibinibentang produkto ay ligtas ang mga mamimili at walang mapipinsala.
Pero, papaano kung ang negosyo ay ilang beses nang inireklamo at nakatawag na ng pansin dahil sa mga pinsalang naidulot nito? Siguradong magugulat, mabubuwisit at babaliktad ang sikmura ninyo dahil suki na ng BITAG ang kompanyang inirereklamo. As in sandamakmak na ang mga biktimang lumapit sa BITAG Action Center not once, not twice, not thrice, but more!
May kasabihan, once is enough, two is too much, three is danger, four is poison. Ayun nagkaroon na nga ng food poisoning sa Marilao, Bulacan dahil sa ibinibenta nilang shawarma. Talagang shacking ang shawarmang ito. Hindi ‘yung shocking na nakakagulat— as in shocking! Kumpleto ang BITAG sa history ng shawarmang inirereklamong ito. Lahat ng mga reklamo at sumbong nasa BITAG library. Ilan sa mga reklamo sa kanilang produkto na dugyot ang panis, may nakitang bangaw, amag at stapler wire sa mismong produkto nila!
Paglilinaw, hindi anti-business ang BITAG. Inilalantad at ipinapakita lang namin sa publiko ang totoong sumbong at reklamo ng mga totoong taong nabiktima at nakaranas nito upang sila man hindi na mabiktima.
Balik tayo sa shawarma. Maraming franchisee at tauhan nila ang lumapit na rin sa amin laban sa kanilang produkto at pangangasiwa. ‘Yung kanilang pangangasiwa na may labis na pang-aapi at labis na pang-aabuso. Kung gusto ninyong mapanood, nasa BITAG Official YouTube Channel ang lahat ng history ng shawarmang ito. Simula 2018, 2019, 2021 at ngayong 2023, naku po magugulat kayo dahil may bago na namang reklamo. Susmaryosep!
Inihahanda na ng BITAG ang series ng mga reklamo ng mga taong biktima at nagrereklamo laban sa kanila.
Abangan!
- Latest