^

PSN Opinyon

Provincial politics

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Kung mayroon mang nakaaalam sa totoong sitwasyon at nangyayari sa mga lalawigan, probinsiya at munisipyo­, ‘yun ay ‘yung mga residente roon. Kilala nila kung sino ang mga naghahari-harian at nagsisiga-sigaan sa kanilang lugar.

Kabisado nila kung sino ang mga umaastang “batas” na kontrolado at yuko sa kanila ang mga alagad ng batas­, piskalya at huwes. Na kapag nagsalita o kumasa sa kanila, siguradong may kalalagyan. Kilala nila kung sino ang mga abusado at kung sino ang sangkot sa mga ilegal na gawain. Kilala nila kung sino ang nasa likod ng kriminalidad na kung magpapatay ng kaaway o katunggali nila, kumikitil na parang mga manok lang.    

Hindi ko naman nilalahat, ganito karumi ang pulitika sa mga probinsya o provincial politics. 

Mayroong isang kanta noong ‘80s, Beds are burning­. Aplikable sa mga nangyayari ngayon ang ilang mga linya ng kanta. “The time has come, To say fair’s fair, To pay the rent, To pay our share. The time has come, A fact’s a fact, It belongs to them, Let’s give it back.”

Darating ang panahon, ang hustisyang nararapat dapat ibigay at dapat ipatupad. Darating ang panahon na ang hustisya ay magiging patas. Kung ano ang mga ginawa ninyo, pagbabayaran ninyo alinsunod sa Saligang Batas­. Ang mga may utang, dapat magbayad. Walang makala­lampas. 

Darating ang panahon na lalabas ang katotohanan at ang hustisya ay ipatutupad ng mga alagad ng batas­ at hukuman. Mangingibabaw pa rin ang criminal justice­ sys­tem. Kaya ‘yung mga nasanay na maghari-harian sa mga lokal na pamahalaan, congressman man ‘yan, governor­ o mayor, iniluklok man o ini-appoint sa puwesto, nakatingin kami sa inyo. Nalalaman namin kung kayo ay patas at kung hindi ninyo inaapi ang mga constituent o mga boss ninyo.    

Dumating na ang panahon ng katotohanan. Katotohanan at batas na walang sinasanto. Panahon na para managot ang dapat managot. Panahon na para pagbayaran ang inyong mga pagkakautang at ang panahon sa patas na hustisya. The law applies to all or none at all.

Nakaka-relate sa akin ang mga nasa probinsya. Lahat ng mga sinasabi ko, base sa obserbasyon ko at sa mga ipinararating sa amin sa BITAG. Hindi ito base sa persepsyon lang. Persepyon na kung ano lang ang nabasa at narinig yun na ang gagawing basehan.  

Sa isyu ng pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo, wala akong kinakampihan. Wala akong pinapanigan  at wala akong pinagtatanggol. Hindi ako bumabalanse. Patas ako at parehas. May bayag akong magsalita. Ang batas ay batas. Unfiltered. Ito ang BITAG. Masanay na kayo.

vuukle comment

BITAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with