Happy National Women’s Month!

TUWING Marso, nakikiisa ang Quezon City government sa pagdiriwang ng National Women’s Month.

Maraming aktibidad na ang nakalinya bilang pagpupugay sa kababaihan sa kanilang mahalagang papel bilang ilaw ng tahanan at sa pagpapaunlad ng ating lipunan.

Sinimulan ng pamahalaang lungsod ang pagdiriwang ng National Women’s Month sa isang seremonya sa pangu­nguna ng Office of the City Mayor, Human Resources Management Department, at ng Gender and Development (GAD) office.

Sa buong Marso, magbibigay ang Quezon City Protection Center (QCPC) ng libreng PAP smear habang ang Small Business and Cooperatives Development and Pro­motion Office (SBCDPO) naman ay magsasagawa ng POP QC-Women’s Month Bazaar sa Quezon City Hall grounds.

Bukod pa riyan, naghanda ang SBCDPO ng livelihood training para sa mga babaeng entrepreneur para lalo pang mapalawak ang kanilang kaalaman sa pagpapalago ng pag­nenegosyo.

Nakatakda ring magsagawa ang Gender and Development (GAD) office at iba pang mga departamento ng pamahalaang lungsod ng seminar ukol sa sexual harassment, women’s rights at mental health.

May photo contest naman na ikinasa ang Public Affairs and Information Services Department (PAISD) habang may essay writing at poster making contest naman ang ating GAD office.

Sari-saring Zumba sessions din ang nakalinya na inor­ganisa ng iba’t ibang tanggapan ng City Hall at mga konsehal ng ating lungsod.

Mayroon pa tayong medical at dental missions, libreng cervical cancer screenings, ultrasound at mga flu at pneu­mococcal vaccines para sa ating kababaihan.

Sa mga plantita naman, mayroon tayong lecture sa urban farming na makatutulong para makapagpalago kayo ng iba’t ibang tanim sa inyong mga bakuran.

Sa mga gustong sumali sa mga ito, bisitahin lang ang opisyal na Facebook page ng lungsod (https://www.facebook.com/QCGov) para sa schedule at venue ng ating mga aktibidad.

Ngayong araw na ito, nakatakda akong magsagawa ng State of the Women Address (SOWA) kung saan ilalahad ko ang mga programa, proyekto at mga plano para sa kababaihan ng ating lungsod. Ipalalabas din ito sa opisyal na Facebook page ng Quezon City.

Show comments