^

PSN Opinyon

Tips para maalis ang plema

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

ANG plema ay may mahalagang ginagampanan sa pag­tanggal ng mga hindi kanais-nais na bagay sa ating baga.

Para sa mga malusog na tao, ang lining sa daanan ng hangin sa baga ay may manipis na layer ng mucus na tinatawag na mucus blanket. Ito ang pumipigil sa alikabok, bacteria, at iba pang particles na makasira sa baga.

Ang mucus ng isang malusog na tao ay dahan-dahang umaakyat para mailabas ang plema.

Ngunit para sa mga taong malakas manigarilyo at may sakit sa baga, ang ganitong paglilinis ng baga ay humi­hina. Dahil dito, ang mucus ay naiipon sa baga at nagiging madikit at madilaw. Ito ang nagiging dahilan para mahi­rapang huminga.

Narito ang mga tips para maalis ang plema:

1. Uminom ng walo hanggang 10 baso ng tubig kada araw para mabawasan ang madikit na plema at madali itong mailabas. Uminom ng mucolytic, gaya ng carbocis­teine o ambroxol capsules. Ang mga gamot na ito ay maa­aring makapagpabago sa plema.

2. Ang tamang pag-ubo ay nakaupo nang deretso at bahagyang pasulong. Habang umuubo, suportahan ito sa paglagay ng kamay sa tuhod o paglagay ng siko sa armrest. Sa kabilang banda, mahirap umobo kapag nakahiga.

3. Subukan ang paglanghap ng steam. Magpakulo ng dalawang tasa ng malinis na tubig at ilagay sa malaking bowl. Italukbong sa ulo ang tuwalya at saka langhapin ang usok. Ang isa pang puwedeng gawin ay buksan ang hot shower ng banyo at langhapin ang usok.

4. Subukan ang pagtapik sa likod o chest clapping. Gamit ang mga kamay, iporma ito ng patatsulok. Pagtapos ay marahang tapikin ang likod para maglikha ng marahang tunog. Tapikin ang itaas at gitnang bahagi ng likod para matulungan na lumuwag ang madikit na plema. Ang ganitong paraan ay mainam sa mga bata na mayroong pulmonya.

5. Paalala: Para maprotektahan ang inyong likod sa pagkapuwersa, subukan ang marahang pag-ubo sa halip na isahang malakas na pag-ubo. Kung nakaramdam na ikaw ay babahin, subukan na kumapit sa upuan, mesa o dingding para masuportahan ang likod sa biglaang pag-ubo o pagbahin.

6. Matulog gamit ang dalawang unan para hindi mag-ipon ng plema sa lalamunan at baga.

7. Sa huli, magpatingin sa doktor para malaman ang pinagmulan ng plema. Kung kayo ay naninigarilyo, ihinto na ang bisyong ito. Tandaan na panatilihin ang inyong baga na malinis at malusog para makahinga nang maayos.

LUNGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with