^

PSN Opinyon

Tips sa batang pihikang kumain

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Narito ang tips ni Dr. Chin Morabe, isang pediatrician sa batang mahinang kumain.

1. Maging mabuting halimbawa sa bata. Ang bata ay naiimpluwensyahan ng mga bagay na kanilang nakikita­. Kung gusto mong kumain ang bata ng ampalaya, dapat ay ipakitang kumakain ka rin nito. Maari ring makaengganyo ang mga nakatatandang kapatid o pinsan kung nakikitang magana silang kumain.

2. Isama ang bata sa pagpaplano at paghahanda ng pagkain. Maaring mas matagal ang pagluluto pero mas nagiging interesado ang bata na tikman kung ano ang kanilang nagawa. Isama rin sa grocery kung saan maari siyang makapamili ng prutas at gulay na gusto niya.

3. Alisin ang TV, laruan o anumang gadgets sa oras ng pagkain. Ang salu-salo ay hindi rin oras upang pagalitan o sermonan ang bata na maaring makapagdulot ng maling signal sa bata kung saan nagiging negatibo ang pananaw sa pagkain.

4. Magluto ng iba’t ibang putahe upang hindi madaling magsawa. Iwasan din na tanging ang paborito nitong pag­kain lang ang ihahanda dahil yun lang din ang aasahan ng bata lagi sa mesa. Sa halip maglagay din ng mga bagong sangkap at unti-unting ipakilala ito sa bata.

5. Maging malikhain sa paghahanda ng pagkain gaya ng iba’t ibang hugis at kulay. Bukod sa natututo ang bata, nawiwili din itong kumain. Ang panlasa nila ay sensitibo sa kulay, hugis, anyo, at pagkapino ng pagkain.

6. Iwasan ang meryenda kung malapit na ang oras ng hapunan dahil mawawalan na sila ng gana. Kahit ayaw kumain ng bata panatilihin pa din siyang kasama sa mesa tuwing oras ng pagkain. Masasanay ito kapag hinayaang manood o maglaro na lamang at hindi mapapaintindi ang kahalagahan ng pagkain.

7. Ilayo ang mga pagkain o inumin na ayaw nating ibigay sa bata, tulad ng softdrinks. Mas mainam na wala ito sa bahay kaysa nakikita nila ngunit sila ay pagbabawalan.

8. Huwag gawing premyo ang pagkain gaya ng pagbibigay ng tsokolate matapos maubos ang gulay. Sa halip na mapaunawa ang kahalagaan ng gulay mas natatakam tuloy sila sa premyong tsokolate.

9. Iwasang puwersahin ang bata, baka lalo nitong katakutan ang pagkain. Imbes na pilitin, unawain ang bata. Kausapin ng mahinahon at alamin ang dahilan ng kanilang pag-ayaw.

10. Huwag mag-alinlangang magtanong sa doctor kung kinakailangan.

CHIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with