^

PSN Opinyon

Hamon sa nursing students: Trabaho sa ‘Pinas o Abroad?

PINOY OVERSEAS - Ramon M. Bernardo - Pilipino Star Ngayon

Nakakagulat pa ba, totoo man o hindi,  ang rebelasyong napaulat nitong nakaraang buwan na “pinipirata” ng mga bansa mula sa Europe tulad ng United Kingdom at Germany ang mga nursing student sa Pilipinas para matugunan ang matindi nilang pangangailangan sa mga health worker? Hindi naman nakakagulat kung kinakagat ito ng ating mga nursing student. Pinabulaanan na ito ng ambassador ng Alemanya bagaman kabilang ang Germany sa mga bansang na-ngangalap ng mga nurse sa Pilipinas.  

Itinuturing na isang hamon ito sa pamahalaan para ayusin ang si-twasyon ng mga nurse sa Pilipinas para hindi sila maakit na magtrabaho sa ibang bansa lalo na iyong mga nag-aaral pa lang sa kolehiyo. Pero malaking hamon din ito sa mga estudyante ng kursong nursing. Sa bata pa nilang edad ay hiningan na silang magdesisyon dahil nakasalalay dito ang kanilang kinabukasan. Nanaisin ba nilang magtrabaho sa Pilipinas na napakababa ang sahod at hindi maganda ang kalagayan sa trabaho o sa ibang bansa na magbibigay sa kanila ng mas magandang oportunidad?  

Ayon sa ulat, isiniwalat ng pangulo ng employee’s union ng De La Salle University Medical Center sa Cavite na si Vilma Garcia na aktibong nire-‘recruit’ ng UK at Germany ang mga second year na Filipino nursing student na inaalok ng mga nakakaakit na benepisyo. Bibigyan sila ng pang-matrikula at libreng tirahan sa pagpapatuloy ng kanilang pag-aaral sa ibang bansa pero kailangang sa bansang iyon sila magtatrabaho pagkagradweyt. Kapag nagpapraktis na sila, puwede nilang kunin ang naiwan nilang pamilya sa Pilipinas.

Hindi malinaw kung totoo rin ito sa ibang mga nursing school sa Pilipinas. Sinabi ni Garcia na, mula noong 2022, direktang kinokontak ng mga dayuhang bansa ang school administration (ng De La Salle) para sa pa-ngangalap nila ng mga nursing student. Tinaya niya na tinanggap ng ‘fourth’ ng kabuuang bilang ng kanilang mga nursing student ang offer. “Bata pa kasi sila at gusto nilang maranasan ang mag-aral sa ibang bansa,” dagdag niya. Hindi naman anya pinipigilan ng school administration ang mga nursing student na hinayaan nilang magdesisyon kung tatanggapin nila o hindi ang alok ng ibang bansa.

Gayunman, nagpahayag ng pagkabahala si Garcia na ang pa-ngangalap ng mga dayuhang bansa sa mga nursing student na Pilipino ay lalong magpapalubha sa situwasyon ng mga pribadong ospital sa Pilipinas na malaki ang kakulangan sa mga nurse.

Matagal nang isyu ang malaking bilang ng mga nurse na nagbibitiw sa trabaho dahil sa mababang sahod at sobrang trabaho at marami sa kanila ang mas piniling mangi-bang-bansa. Sinasabing ang mga private hospital ay kaya lamang magbigay ng mula P12,500 hanggang P16,000 kada buwan. Maraming nurse ang nagbibitiw dahil sa napakababang sahod at sobrang trabaho. Marami sa kanila ang mas piniling ma-ngibang-bansa. Kung malaki ang kakulangan sa mga nurse sa United Kingdom, Germany, United States, Canada at ibang bansa, ganoon din dito sa Pilipinas.

Kung iyon ngang ganap na mga nurse ay natutuksong magtrabaho sa ibang bansa, paano na ang mga estudyanteng nag-aaral pa lang ng nursing na inaalok ng magandang oportunidad sa ibayong-dagat?

Sa isang ulat ng Kyodo / Japan Times noong nakaraang taon, sinabi ng advocacy group na Filipino Nurses United at ng Health Department na lubhang kailangan sa ibang bansa ang mga nurse na Pilipino na magaling sa wikang Ing-les. Hanggang noong katapusan ng 2021, umaabot sa 310,000 sa mahigit 910,000 rehistradong nurse sa Pilipinas ang nagtatrabaho sa ibang bansa. Nauna rito, mula 13,000 hanggang 22,000 nurse ang dumadayo taon-taon sa mas mauunlad na bansa tulad sa Australia, Britain, Germany, Japan, Saudi Arabia at U.S. na nagbibigay sa kanila ng mas malaking sahod.

Sinasabi ni Philippine Nurses Association President Melvin Miranda na ang mga nurse na Pilipino ang nananatiling may pinakamababang sahod na $687 kumpara sa ibang mga nurse sa Southeast Asian countries tulad sa Vietnam ($1,083) at Singapore ($4,058) batay sa  isang  2020 study ng data aggregator na  iPrice group.

“Kailangan ang mga nurse na Pilipino sa mga bansang merong tumatandang mga manggagawa,” sabi naman ni Elnora Villafana, isang service recruiter sa Manila, sa ulat ng Kyodo / Japan Times. Naoobserbahan niya na ang mga ospital sa ibang bansa tulad sa United States ay nagiging mas lalong nagiging competitive tulad ng mga alok na sasagutin nila ang bayad sa licensing exams ng mga nurse at immigrant visa.

Ang mga nurse sa Amerika ay maaaring kumita ng $70,000 kada taon.

Hindi rin naman madali ang pangingibang-bansa. Kung merong mga bentahe, meron ding mga disbentahe sa paninirahan, pag-aaral at pagtatrabaho sa ibang bansa.

Malaking hamon sa mga nursing student ang pagtanggap ng oportunidad sa iba-yong-dagat lalo pa kung mamumulat sila sa kalagayan ng mga nurse sa ating bansa. 

Malamang may ma-laki silang isasakripisyo sakaling magpasya silang hanapin ang kanilang kapalaran ibang bansa kaya dapat muna nila itong pag-aralang mabuti, magsaliksik hinggil dito at maging handa sa anumang mangyayari. Marami pa rin namang mga nurse na Filipino na patuloy na naninil-bihan sa sarili nilang bayan kahit gaano man kahirap.

     * * * * * * * *

Email – [email protected]

GERMANY

SINGLE TICKETING SYSTEM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with