Kulturang Pinoy ipinagdiwang ni Isabel Kanaan sa ‘Abroad’
Para kay Isabel Kanaan, isang komedyanteng Aktres na Filipina-Canadian, isang pagdiriwang sa kulturang Pilipino ang kanyang sketch comedy series na ipinapalabas sa OMNI Television sa Canada na may titulong “Abroad”. Tampok si Isabel sa show na ito na gumagamit ng salitang Ingles at Tagalog at nagpapakita sa buhay ng mga Pilipinong dumayo at naging permanente nang residente sa bansang Canada. Ang mga kuwento sa show ay ibinabatay sa sariling karanasan ni Isabel bilang immigrant na inilalahad niya sa nakakatawang paraan.
Kabilang si Kanaan sa mga Pilipinong dumaan sa maraming pagsubok sa pinasok nilang bagong buhay sa isang dayuhang bansang tulad ng Canada.
Sinasabi niya sa ilang mga panayam na bagaman itinatampok sa kanyang mga trabaho ang kanyang kultura, matagal bago niya naisalin ang totoo niyang identidad sa kanyang karera bilang artista o komedyanteng aktres.
“Nang una akong dumating (sa Canada), hindi iyon laging pagdiriwang ng aking kultura, ng a-king kasarian, at napa-katagal ko itong inilihim kahit sa simula ng aking karera. Isang paraan iyon na naging sagabal sa pagtatagumpay ko. Kung hindi ako naging tapat sa sarili ko, paano ako makakalikha ng matapat na trabaho,” sabi ni Kanaan sa wikang Ingles sa Philippine Canadian Inquirer.
Tulad ng ibang mga dayuhang bagong salta, nakadama noon si Kanaan ng culture shock sa bagong kapaligiran sa mga unang taon niya sa Canada. Lagi siyang malungkot at laging nag-iisa dahil wala siyang ibang kakilala o kaibigan doon. Itinatago niya ang pagiging Pilipino niya.
Batay sa kuwento ni Kanaan sa Toronto Life, ipinanganak siya sa Pilipinas noong dekada ’90 at nanirahan noon sa San Juan City sa ka-lakhang Maynila kasama ng kanyang mga magulang at tatlong kapatid na la-lake. Ang kanyang ama ay negosyante sa isang export-import company. Nasa edad nang 16 an-yos si Kanaan nang siya at ang kanyang pamilya ay dumayo at nanirahan nang permanente noong 2008 sa bansang Canada para mabigyan ng maayos na buhay ang dalawa niyang kapatid na lalake na kapwa merong autism. Meron kasing mga programa at grant na ibi-nibigay ng Canada para sa mga autistic. Una muna silang nakitira sa bahay ng isa niyang tiyahin (kapatid ng kanyang ama) sa Bur-lington sa Toronto, Canada bago sila nakabili ng sarili nilang bahay roon.
Nang makagradweyt si Kanaan sa Hayskul, una niyang kinuhang kurso sa kolehiyo sa York University ang education dahil gusto niyang mag-aral ng math at maging titser. Pero hindi siya tumagal dito nang maisip niyang hindi siya para rito lalo pa at nalaman niyang mahirap humanap ng trabaho bilang guro. Nagpalipat-lipat siya ng kurso hanggang magpasya siyang mag-aral sa Acting for Camera and Voice Program sa Seneca College bago sa Conservatory Program ng Second City para ipursige niya ang hilig niya sa pag-arte.
Dito nagsimula ang kanyang pagiging ko-medyante. Sinabi pa ni Kanaan na kahit siya ang laging nagpapatawa sa kanyang mga kaibigan noong nasa Pilipinas siya, hindi naman niya nakikita ang kanyang sarili na nakakatawa.
Ang nagtulak sa kanya na ipursige ang pag-aartista ay ang kanyang dugong Pilipino. Hangarin niyang magkaroon ng mas maraming representasyon ang mga Pilipino sa Canadian media at ipakita sa kanyang mga kababayan na okay lang panatilihing buo ang ugat na kanilang pinagmulan o mag-reconnect dito.
Nang makagradweyt siya, meron na siyang booking roles sa web series (Haunted or Hoax), radio commercials at isang stage production sa Othello. Nagsimula siyang pasukin ang Sketch comedy at sumali sa isang sketch group na tinatawag na Asiansploitation.
Noong 2017, naalok siyang lumabas sa Ro-yal Canadian Air Farce na tatlong taon niyang pinagtrabahuhan bilang komedyante.
Noon namang 2019, sinimulan ni Kanaan na maglabas ng mga video sa TikTok na hinggil sa immigrant culture at sa pagiging isang Pinoy sa Canada. Sinusuporta-han siya rito ng kanyang mga magulang at kapatid na nag-aambag sa bawat paggawa ng video. Isa sa mga video ay nagkaroon ng 800,000 views.
Napansin at nagustuhan ng ilang producer ang ilan niyang Tiktok videos at inalok siya ng mga ito na gumawa ng show sa Omni Television. Pinangalanang “Abroad” (Hango sa kanyang Tiktok name na Abroad Filipina) ang kanyang TV show na ang shooting ay sinimulan noong No-byembre 2021 at natapos noong Pebrero 2022. May mga kasama rin siya ritong mga Filipino-Canadian actors na matagal na rin niyang nakilala. Lahat ng cast at crew ay nagtulu-ngan sa pagbubuo ng pa-labas. Habang ginagawa ito, natuklasan ni Kanaan ang iba’t ibang immigrant stories ng mga kapwa niya artista lalo na nang malaman niyang ang ibang mga Pilipino na isinilang sa Canada ay maayos na nakakapagsalita ng Tagalog.
Nabatid na natapos ang first season ng “Abroad” noong Hulyo 10, 2022. Sa ngayon, ayon kay Kanaan sa isang panayam sa messenger, pinapalabas pa rin ang first season bilang reruns. Kasalukuyang ginagawa na nila ang shooting para sa season 2 na unang ipapalabas sa Marso o Abril ng 2023 sa OMNI.
Nakatulong ang mga kinikita niya sa TV show at sa iba pang mga proyekto niya para masuportahan ang panga-ngailangan ng kanyang pamilya lalo na mula nang ma-stroke ang kanyang ama at kaila-ngan na nitong magretiro sa trabaho.
Marami ang nagkagusto sa “Abroad” lalo pa at nakaka-relate rito, ang mga immigrant at iba pang mga Filipino Canadian. Emosyonal para kay Kanaan ang komento sa Twitter ng isang viewer na “Never would I have thought that I would see a Filipino show in Tagalog on Canadian television.”
“It’s still surreal. I had fun, and I know the others who worked on the show with me had fun too,” sabi pa ni Kanaan.
Pagtatapos pa niya, “A lot of the drive I have to keep going is due to my family. My TikTok channel has 5.6 million likes. I’ve definitely seen more likes and followers since Abroad came out, but I’m not looking for millions more. As great as it is to have an online presence like mine, the time I get to spend with my family is what matters to me most.”
Email – r[email protected]
- Latest