^

PSN Opinyon

Mga payo at solusyon sa stress

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ang payo ko ay base sa mga payo ng mga psychologist kaya epektibo ito.

Ang modernong buhay ay maaaring biyaya dahil sa mga makabagong teknolohiya ngunit may kapalit din na stress na sadyang mahirap i-manage nang maayos.

Ang American Psychological Association ay nagbigay ng mga karaniwang pinanggagalingan ng stress:

1. Pag-aalala dahil sa kapos sa pera.

2. Stress sa trabaho at pamilya

3. Nag-alala sa ekonomiya

4. Problema sa kalusugan

Sundin ang apat na bagay upang maiwasan ang stress:

1. Mamuhay ng simple at masaya.

2. Mag-focus sa malusog na pangangatawan at pamumuhay.

3. Mamuhay ng may moralidad.

4. Matutong makutento at magpasalamat sa mga bagay na mayroon ka.

Dagdag payo para mabawasan ang stress:

1. Kung gagamit ng gadgets at computers ay mas mainam kung hinay-hinay lang. Maaaring ito ay nakatutulong ngunit ang sobrang paggamit ay nakapagdudulot din ng stress.

2. Gumastos nang naaayon sa iyong pangangailangan. Mas makabubuti na gumastos nang tama. Kung hindi naman kailangan huwag na lamang bilhin. Sa ganitong paraan ay makakaipon pa.

3. Hanapin ang oportunidad. Mamuhay lamang ng simple at makabuluhan kaysa mamuhay sa karangyaan.

4. Maglibang paminsan-minsan. Para mas ma-enjoy ang paglilibang, hindi kinakailangang gumastos nang mahal. Maaari rin namang gawin ang paglilibang kahit sa simpleng pamamasyal lamang sa tabi-tabi.

5. Pasalamatan at maging masaya sa mga bagay na mayroon ka.

6. Alamin ang mga bagay na nakapagpapasaya sa iyo at iwasan ang mga bagay na nakagagalit sa iyo.

PSYCHOLOGIST

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with