Daanan (Unang bahagi)  

ANG kasong ito ay tungkol sa right of way o daanan. Ang tanong na sasagutin ay kung kailan at paano nagka­karoon ng right of way at paano ito natatanggal. Ito ang kasong sangkot ang mag-asawang Mon at Tina laban sa mag-asawang Ed at Vangie.

Sina Mon at Tina ang dating may-ari ng limang parselang lupa sa isang siyudad sa norte. Dalawang lote ang nasa harap ng tatlong parsela at ang tanging daanan papunta sa national highway. Gumawa ng anotasyon ang mag-asawang Mon at Tina sa mga titulo para kilalanin ang binibigay na right of way sa mga lupa sa likuran.

Kalaunan, nangutang ang mag-aswang Mon at Tina sa banko gamit ang lupang nasa harapan bilang prenda. Nang hindi nila mabayaran ang utang ay nailit ng bangko ang mga lupang isinangla nang hindi matubos ito ng mag-asawa.

Binili naman ng mag-asawang Ed at Vangie mula sa banko ang mga lupa. Nagkaroon sila ng bagong titulo kung saan nakalagay pa rin ang anotasyon ng right of way pero hindi kinilala ng mag-asawa ang anotasyon. Binakuran nila ang lupa at hindi pinayagan na makaraan papunta sa national highway ang mag-asawang Mon at Tina.

Napilitan ang mag-aswang Mon at Tina na kasuhan ang mag-asawang Ed at Vangie sa RTC para bigyan sila ng right of way papunta sa national highway. Naghabol din pati sila ng danyos at katwiran ay karapatan nila ang mabigyan ng daanan papunta sa national highway.

Sagot naman nina Ed at Vangie ay hindi legal ang right of way dahil sina Mon at Tina rin mismo ang may-ari ng lupa at para sa kanila kaya nagkaroon ng daanan. Idagdag­ pa raw ay natanggal na ang right of way mula nang ilitin­ ng bangko at mawala sa kanila ang lupa. May iba pa naman daw madaraanan ang mag-asawa papunta sa national highway kaya hindi sila dapat pagbayarin ng danyos.

Matapos ang paglilitis ay agad na gumawa ang korte ng ocular inspection para masuri ang lugar. Nagbigay ang mag-asawa ng isang metro sa may silangan-kanlurang bahagi ng lupa para gawin na daanan sa kondisyon na babayaran ito ng mag-asawa bago maging pinal ang kasunduan.

(Itutuloy)

Show comments