^

PSN Opinyon

Pulitiko panandalian, lider pangkinabukasan

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

HABOL lang ng pulitiko ang darating na eleksiyon. Pakay ng totoong lider ang susunod na henerasyon. Nais lang ng kandidato ang boto mo. Iniisip ng lider ang kinabukasan mo. Pinapangako ng pulitiko ang gusto mo para sa iyo. Pina­paliwanag ng lider ang mabuti para sa lahat.

Kilatisin sila nang husto, para masulit ang balota. Bino­bola lang ba ng kandidato lahat ng sektor para mahalal? Pinagsisigawan ba niya na itataas ang sahod ng empleyado mula sa kapitalista, sabay pangako na palalaguin ang tubo ng oligarchs palit sa pagtahimik ng manggagawa?

Nagbabandera ba siya ng mga planong tulay, pier, at tren, pero tameme kung paano ito makakamit dahil kailangan ng dagdag buwis at utang na tayo rin ang magbabayad? Nakaangkas lang ba ang plataporma niya sa surveys na ang nais ng tao ay hanapbuhay at murang bilihin, pero wala naman siyang matinong plano para rito?

Ihambing ang pulitiko sa lider. Hangad ng lider ang wastong pagkain mula pagkabuntis at kapanganakan hang­gang edad-3. Sa nutrisyon naihahanda ang utak at katawan ng bata para sa eskuwela. Tinitiyak ng lider ang pagkatuto ng bata ng Math, Science at Reading Comprehension, habang tinuturuan ng Kasaysayan at Sibika upang maihanda sa nais na karera. Pinag-iisa ng lider ang hangarin ng bawat sektor bilang isang pambansang direksiyon. Nagka­kapangarap lahat.

Matagal na tayong nagpapaanud-anod lang. Parami nang parami ang isang kahig-isang tuka. Tuwing eleksiyon pinapangakuan tayo ng kaunlaran. Wala namang nagbabago.

Humalal na tayo ng lider. Huwag politiko na mula sa dinastiya ng mandarambong, sa may utang na buwis sa gobyerno, o pansariling ambisyon lang ang hinihimas. Sa ilalim ng lider kikilos tayong lahat para umangat at mag­sibol ng mas mahusay na henerasyon.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

ELEKSIYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with