^

PSN Opinyon

Alert Level 2 sa Metro Manila  

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

HINDI na ipatutupad ang “no vax, no ride” matapos ibaba sa Alert Level 2 ang Metro Manila. Subalit hinihikayat pa rin ng local government units (LGUs) na magpabakuna na ang lahat upang magkaproteksiyon sa COVID-19. Sa ngayon, bumababa na ang COVID cases sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna. Inalis na rin ang quarantine status sa mga papauwing kababayan mula sa iba’t ibang bansa at maging sa mga turista.

Nagbigay naman ito ng kalituhan sa sambayanan dahil ang pangamba nila ay baka biglang sumipa na naman ang kaso ng COVID sa mga lalawigan. Kaya naman may panawagan ang medical experts na maghinay-hinay ang Inter-Agency Task Force (IATF) at Department of Health (DOH) sa pagluluwag sa mga paparating na kaba­bayan at turista.

Sa mga lalawigan kasi ay hindi pa halos nangangahalati ang nababakunahan. May mga lalawigan na kulang sa programa ang LGUs sa paghikayat ng kanilang constituents na magpabakuna. Kulang din sila sa equipment para ipreserba ang mga gamot.

May mga lalawigan sa ngayon na kinakapos sa health­care workers matapos tamaan ng COVID at kasaluku­yang naka-quarantine ang mga ito. Ang AFP at PNP ay nagpadala na ng medical personnels para punuan ang kakulangan ng mga doctors at nurses. Kaya kapag luma­ganap na naman ang hawahan ng COVID sa mga lalawigan tiyak na malalagay sa panganib ang mga kababayan natin dahil kulang din ang kanilang mga pasilidad sa paggamot.

Samantala, tataas ngayong araw ang gasolina kaya tataas na rin ang presyo ng mga bilihin. Hindi na kayang rendahan ng Duterte admin ang paglabas ng mga ‘di ba­kunado sa paghahanapbuhay para hindi sila magutom. Ayon sa mga ekonomista ni President Duterte, kaila­ngan nang luwagan ang health protocols upang ma­kapaghanapbuhay­ na ang mga manggagawa. Kapag lumuwag na ang pagpasok ng mga turista, makakabangon na ang negosyo.

Magkakaroon na ng trabaho ang mga Pilipino at tiyak na babangon ang ekonomiya. Sa pagpapatigil ng “no vaccine, no ride’’ ng DOTr maraming Pinoy ang nasiyahan dahil makakapaghanapbuhay na sila at makapagliliwaliw ngayong summer.

ALERT LEVEL 2

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with