Banatan sa Sorsogon at Camarines Norte
“HINDI nila pinakinggan ang aking babala. Nakuha nila ang kanilang ginusto,” sabi ni PRO 5 Regional Director BGen Jonnel Estomo habang ang kanyang mga tauhan ay umiskor nang tagumpay sa armadong engkuwentro laban sa 20 communist terrorist group (CTG)-CPP-NPA-NDF (CNN) members sa command ni Arnel Estiller alias Ka Mando.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, last Saturday, Pasko, bandang 8:40 a.m., sa boundaries ng Bgy. San Ramon, Barcelona, Sorsogon, isang team ang binuo sa ilalim ng pangangasiwa ni Col. Arturo Brual, provincial director ng Sorsogon. Habang ginagalugad ng mga awtoridad ang boundaires ng Bgy. San Ramon Barcelona, Sorsogon nang magkrus ang landas ng militar at pulisya at 20 miyembrong teroristang grupong CTGs/CNN sa ilalim ni Commander Ka Mando. Nagbakbakan at nagratratan ang dalawang panig na tumagal ng 45 minuto.
Ayon sa kuwento ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, Ang ratratan ay humantong sa pagkamatay ng dalawang CTG. “Walang naiulat na namatay sa panig ng mga taga-gobyerno,” bida ni Estomo.
Sabi ni Estomo, maliban sa dalawang armalite na nakuha sa mga napatay na mga rebelde nakakuha rin ng mga pangalan ng mga kandidato/collectibles notebook para sa kanilang permit to campaign at marami pang ibang materyales.
Kambiyo issue, nagkaupakan din ang may 25 miyembro ng mga rebelde at militar sa Bgy. Malaya, Labo, Camarines Norte, tumagal ng halos 25 minutos ang bakbakan. Nahuli si Roberto Pajarillo, matapos magtamo ng tama ng bala sa katawan.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nakahanda ang mga militar at pulisya sa posibleng pag-atake ng grupo para gumanti sa nangyaring ratratan kaya naman nagsagawa ng checkpoints sa mga kritikal na lugar na puwedeng daanan ng mga rebelde. Abangan.
* * *
Si Juanito Itaas, bow
Gusto nang palayain ng Muntinlupa City Court si Juanito Itaas, sinasabing pinakamatagal nang nakakulong na political prisoner sa New Bilibid pero ang Supreme Court ang may final say sa issue ng constitutionality.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Itaas, diumano’y isang NPA, ay ikinulong ng 39 years dahil sa pagkakasangkot sa pagpatay kay Col. James Rowe noong 1989.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Rowe ay inupakan sa Morato extension St., QC sa tapat ng dating JUSMAG.
“Kumanta si Itaas na siya ang bumanat sa sasakyan ni Rowe pero binawi niya noon ang kanyang statement at sinabing napilitan siyang umamin dahil tinorture umano siya,” sabi ng kuwagong singer.
Kambiyo issue, sinabi ng Muntinlupa court na nakulong na ito ng mahigit 30 years at may 29 years na sa kanyang Good Conduct Time Allowance.
- Latest