^

PSN Opinyon

Mga pagkaing pampatalino

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

May mga pagkain na makatutulong para maging healthy ang ating utak. Kapag sapat sa bitamina at nutrisyon ang pagkain, mas magiging matalas ang pag-iisip at memorya.

Narito ang mga tinaguriang “brain foods”:

1. Mani – Ang mani ay may taglay na vitamin E at good fats. Ayon sa pagsusuri, kapag mataas ang lebel ng vitamin E sa iyong katawan, mas matalas din ang iyong pag-iisip. May tulong din ang mani para sa memorya. Puwedeng kumain ng nilagang mani, kasoy at walnuts. Huwag lang piliin ang pritong mani na may maraming asin. Limitahan din ang pagkain ng mani sa isang dakot lamang (30 grams) dahil mataas din ito sa calories.

2. Matatabang isda – Ang mga oily fish ay ang tuna, tilapia, salmon, sardinas, tamban at taba ng bangus. May taglay itong omega-3 fatty acids na nagpapaganda ng daloy ng dugo. Dahil dito, mababawasan ang tsansang ma-stroke at atake sa puso. Subukang kumain ng 4 ounces ng isda tatlong beses kada linggo.

3. Itlog – Ang itlog ay mataas sa choline, isang kemikal na kailangan ng mga bata para madebelop ang kanilang utak at memorya. Mataas din sa vitamin A, iron at folate ang itlog. Puwedeng pakainin ang bata ng 1 itlog bawat araw. Ngunit kung ikaw ay may sakit sa puso o mataas ang kolesterol, limitahan ang pagkain ng itlog sa 3 itlog bawat linggo.

4. Kape – Makatutulong ang kape para maiwasan ang Alzheimer’s disease at panghihina ng ating isipan. May sangkap na antioxidants at caffeine ang kape. May tulong din ang kape sa pagmemorya ng inaaral pero panandalian lang ang epekto nito. Puwedeng uminom ng 1 o 2 tasang kape sa maghapon. Huwag ding sosobra­han at baka bumilis ang pagtibok ng iyong puso. At sana ay huwag nang lagyan ng whip cream at full cream milk ang kape para hindi nakatataba.

5. Abokado – Ang abokado ay mayaman sa vitamin B at healthy fats (monounsaturated fats) na nagpapaganda ng daloy ng dugo sa utak. May mga pagsusuri sa hayop na nagpapakita na ang abokado ay nakababawas sa stroke at nakakababa ng blood pressure.

Bukod sa mga pagkaing ito, dapat magkaroon din ng healthy lifestyle para mapangalagaan ang ating utak. Matulog nang sapat at umiwas sa alak at sigarilyo.

ISA

KAPE

VITAMIN B

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with