^

PSN Opinyon

Sakit ng kalingkingan damay buong katawan

AKSYON NGAYON - AL G. Pedoroche - Pilipino Star Ngayon

Matandang kasabihan ito: “Ang sakit ng kalingkingan ay sakit ng buong katawan.” Kung sa isang organisasyon ay may isang departamentong sumablay, ito ay kamalian­ ng buong organisasyon. Hindi dapat magsisihan sa harap ng publiko kung sino ang nagkamali.

May alitan ngayon sina Health Secretary Francisco Duque at Foreign Affairs Secretary Teodoro “Teddy Boy” Locsin dahil sa naunsiyaming transaksyon ng 50-milyong hiringgilya sa pagbabakuna sa isang banyagang supplier.

Ani Locsin, “inilaglag” ng pamahalaan ang nabanggit na deal kaya hindi natuloy. “kasinungalingan iyan!” ang mariing pahayag ni Duque kaugnay nito.

Tila kasi ipinahihiwatig ni Teddy Boy na may pinapa­borang dealer si Duque kaya nasilat ang transaction. May­­roon nga ba, Sec. Duque?

Ang paliwanag ni Duque sa isang radio interview, “lubhang mahal” ang iniaalok na hiringgilya kaya ito ay tahasang tinanggihan ng pamahalaan.

Dagdag pa ni Duque, may sinusunod na reglamento sa pagbili ng pamahalaan ng mga supply na nakapaloob sa RA 9184.

Kung matatandaan natin, may nangyari nang katulad na insidente noong nakaraang taon nang hindi natuloy ang delivery ng mga Pfizer vaccine dahil sa kaparehas na alegasyon na si Locsin din ang nagsiwalat.

Napakasamang impresyon ang naipinta nang ganitong alitan sa mata ng publiko: na hindi magkasundo ang mga opisyal ng gobyerno dahil sa katiwalian; na ang gobyerno ay hindi nagkakaisa para ihatid ang mga basic needs ng taumbay

FRANCISCO DUQUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with