^

PSN Opinyon

‘Walang maiiwan sa pag-unlad’ hangad ni Rep. Eric Yap

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

Bukod-tangi ang pagiging maka-masa ni Benguet caretaker congressman Eric Yap.

Laging sinasabi ni Yap na “walang maiiwan sa pag-unlad” sa kanyang nasasakupang probinsya ng Benguet. Nagtutungo ang mambabatas sa kasuluk-sulukan gaya ng Ansagan at Tuba upang maghatid mismo ng ayuda at tulong.

Ang Ansagan ay isa sa mga liblib at mahirap na barangay sa Benguet.  Nararating ito sa pamamagitan ng paglalakad ng 12-oras at kailangan pang dumaan sa Sison, Pangasinan.

Ngunit sa lalong madaling panahon, makakamit na ang matagal na pangarap ng mga kababayan ni Yap.  Hindi na dadaan ang mga mamamayan sa Sison upang marating ang munisipyo nila sa Tuba.

Magbubukas sa 2022 ang 12-kilometrong daan na ginastusan ng P200 milyon. Kokonekta ito sa Sitio ­Dongon, Barangay Camp 1 sa Kennon Road. Napakalaking ­kaginhawahan nito sa mamamayan!

Hindi masasabing pamumulitika ito. Dahil napakaliit ang botante sa Ansagan.  Nais lang ni Yap na lunasan ang na­pakatagal nang paghihirap ng mga mamamayan na hindi nagawa ng mga nagdaang pinuno.

Pangarap din ni Yap na ipagpatayo ang mga kababayan ng P100-milyon potable water project sa Benguet.  Ang Bgy. Ansagan ay walang maayos na pinagkukunan ng tubig na maiinom.

Mumunti lamang ang mga proyekto, ngunit para sa mga taga-Ansagan, napakalaking bagay na mabigyan sila ng pansin ng kanilang mambabatas!

* * *

Para sa suhestiyon: [email protected]

ERIC YAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with