^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Pinapatay ang mga Pinoy na maggugulay

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Pinapatay ang mga Pinoy na maggugulay

Dagsa ngayon sa mga palengke ang mga smuggled na gulay mula sa China. Kabilang ang carrots, luya, repolyo, cauliflower at iba pang gulay na nasa pamilihan. Ipinasok sa bansa ang mga gulay noong nakaraang linggo sa Subic. Halatang-halata ang mga imported na carrots at luya dahil malalaki kumpara sa mga naaani sa Benguet at iba pang lugar sa bansa. Mas mura rin ang mga nabanggit na gulay kumpara sa mga lokal na ani. Hindi lang carrots at luya ang bumabaha sa mga palengke sa Metro kundi pati mga repolyo, broccoli at cauliflower.

Nangangamba na ang mga magsasaka ng gulay sa La Trinidad, Benguet sapagkat apektado na ang kanilang kinikita dahil sa pagbaha ng mga smuggled na gulay. Dahil mas mura ang mga smuggled, nabawasan na ang kanilang kinikita.

Ayon sa isang dealer ng carrots sa Benguet, dati ay 100 sako ang order sa kanila pero naging 30 sako na lang mula nang bumaha ang smuggled. Nahihirapan na ang mga magsasaka na magbenta ng kanilang carrots dahil mas pinapaboran ang mga murang carrots. Kaunti na lang umano ang order mula sa Manila. Humihingi sila ng tulong sa Department of Agriculture para matigil na ang pagpasok ng mga smuggled na gulay.

Dahil sa pagdagsa ng carrots, napilitan na ang mga nagtitinda ng carrots na galing sa Benguet sa Divisoria, na ibaba ang kanilang presyo para lang mabenta na Kung hindi raw ganun ang gagawin, wala silang kikitain. Ang presyo umano ng imported carrots ay P50 per kilo samantalang ang Benguet carrots ay P60 hanggang P70.

Smuggled na gulay ang pumapatay sa mga mag­sasaka ng Benguet. Idinadaan sa Bureau of Customs at nakakalusot. Ayon sa Department of Agri­culture, walang inaprubahang import permits ang Bureau of Plant Industry para sa carrots. Sabi ni DA Secretary William Dar, ipakukumpiska niya ang mga smuggled na gulay dahil malaki ang epektong dulot nito sa sektor ng agrikultura sa bansa. Ayon pa kay Dar, hinahanap na ang mga nag-angkat ng gulay para sampahan ng kaso.

Kawawa ang mga lokal na magsasaka ng gulay. Pinapatay sila. Malaki ang papel ng Bureau of Customs sa pagbaha ng mga gulay mula China. Dapat imbes­tigahan ang Customs sa nangyayaring pagdagsa ng mga gulay. Marami pa ring korap sa Customs.

DAGSA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with