^

PSN Opinyon

Paeng Nepomuceno at Jaja Santiago: Mga Pinoy idols noon at ngayon!

KasamBuhay - Jing Castañeda - Philstar.com
Paeng Nepomuceno at Jaja Santiago: Mga Pinoy idols noon at ngayon!
Ibinahagi nina Paeng at Jaja ang kanilang mga aral sa kani-kanilang career na itinuturing nilang mahahalaga ring prinsipyong sinusunod nila sa kanilang buhay.
Paeng Nepomuceno at Jaja Santiago

Bagama’t naging miyembro ako ng Ateneo cheerdance troupe noong araw, hindi ko lubos matatawag ang sarili ko na “atleta.” Ibang nibel ang lakas, bilis, determinasyon, at disiplina nila lalo na pagdating sa mga kompetisyon. Marami akong mga naging kaibigang atleta nang ako’y naging isa nang journalist. Nakakapanayam ko ang mga bona fide athlete na animo’y mga Christmas tree na nagkatawang tao dahil sa mga nakasabit sa kanilang mga makikinang na medalya.

Nakausap ko kamakailan ang dalawa sa kahanga-hanga nating mga atleta—ang bowler na si Paeng Nepomuceno at ang volleyball player na si Jaja Santiago.  Sa magkaibang panahon, naging kinatawan sila ng Pilipinas sa kung saan-saang kumpetisyon sa labas ng bansa. Sa mga pagkakataong yun, nagkamit sila ng mga karangalan na talaga namang naging source ng nag-uumapaw nating #PinoyPride!

Animnapu’t dalawang taon na ang tila nabubuhay na alamat na si Paeng Nepomuceno. Isa syang six-time World Bowling Champion na nakapagtala na ng apat na record sa Guinness Book of World Records. Sa husay ni Paeng, tatlo sa records na ito ay wala pa ring nakakatalo hanggang ngayon. Kabilang dito ang record na pinakabatang nakapag-uwi ng World Tenpin Bowling gold sa edad na 19 noong 1976, ang record ng may pinakamaraming Bowling World Cups sa tatlong magkakaibang dekada, at ang record ng may pinakamaraming kampeonato sa kanyang sport. Nakakaisang-libong matches na raw siguro ang ngayo’y napakatikas at napakagwapo pa ring atleta.

Si Jaja naman ay 25 pa lamang. Hindi mo aakalaing nene pa sya dahil na nga sa kanyang 6’5” na tangkad. Naging matunog na sya sa larangan ng volleyball pagkatapos nyang bigyang karangalan ang University of Santo Tomas noong high school at National University naman noong sya’y nasa kolehiyo. Pagkatapos ng kanyang UAAP stint, naglaro si Jaja bilang kasapi ng Ageo Medics sa Japanese Volleyball League. Sa nakaraang tatlong taon nya sa ligang yun, mas lalong nagningning ang kanyang career. Ito’y matapos niyang tulungan ang team niyang masungkit ang bronze medal noong 2020 at ang kampeonato naman nitong Marso lang.  Dahil dito, si Jaja ang unang Pinoy na nakapag-uwi ng international volleyball title sa bansa.

Tila naging coaching session ang aming “Pamilya Talk” kung saan ikinwento nina Paeng at Jaja ang mga karanasan nila sa pagiging atleta, pati na rin ang mga nakuha nilang aral sa kani-kanilang career na itinuturing nilang mahahalaga ring prinsipyong sinusunod nila sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Ang mga kwentong ito ang lalong nagpahanga sa kin sa mga tulad nila na nagsisilbing inspirasyon sa mga Pilipino saan man sa mundo!

Tita Jing: Ano ang sikreto ninyo at paano ninyo napapanatili ang mga sarili ninyong ganyan kalakas?

Paeng: Healthy living, healthy eating. Walang shortcuts, you need to exercise. Positive outlook in life, importante din yan. Iwas stress kung kaya mong iwasan. Kung may stress, relax ka lang. Alaga lang sa katawan. I do one day of weights and then next day, I do cardiovascular—I do cycling or brisk walking. Then I rest on the third day. All year round yun since teenager pa ko. 'Di kailangang matagal ang exercise, kahit 45 minutes lang to stay fit. Kinakain ko lahat, not necessarily na may iniiwasan. May konting fried food. Alisin lang yung masama like taba. Ang rice at carbs, moderation lang. At plenty of fruits and vegetables!

Jaja: Active naman ako, lalo na na nag-pe-prepare ako for an upcoming tournament (Premier Volleyball League). Meron kaming Zoom training every day kasi 'di pa allowed to use the gym. Every day, may work out ako. Maintained ang weight, body fat, at body mass para maganda yung kundisyon ko sa tournament. Yung mga kinakain mo, mino-monitor mo. Iniiwasan yung mga gusto mong kainin pero masama sa katawan. Talagang isusuko mo lahat para sa goal mo.

Sa Japan, mas dagdag disiplina. Napaka-disciplined at hardworking nila. Bawat ginagalaw, kinikilos, at kinakain nila, napakahalaga. Marami kang matutunan, not just in sports but also in life. Yung mga bad habits, somehow matatanggal din sayo. Kunwari ang pagkain ng madaming chips at oily foods, matatanggal yan. Marami rin kasi ako kumain ng kanin. Marami akong kinakain na sa ibang food naman makukuha yung nutrients. Natuto na rin akong mag-yogurt, whey protein, at vegetables. Pati ang pag-alaga sa sarili mo after training—recovery—na hindi ko madalas ginagawa dati.

May sinasabi silang “mental game” sa sports. Gaano kaimportante ito sa inyo?

Paeng: The athlete that has the bigger heart is usually the better athlete. Yung atletang mentally strong and physically strong. Sa sports naman, sarili mo lang ang kalaban mo. ‘Pag nakontrol mo ang nerbyos mo, ‘pag na-kontrol mo yung skills on how to focus and concentrate over the rest, then magwawagi ka.

I have what you call the mental tools. Tuwing umaga, I have visualization. Yung positive thinking na sinasabi nila—ni-vi-visualize mo na nangyari na yung event. What is your game plan? Kung gusto mong manalo, imagine mong sinasabit na yung medalya sa Iyo. Kung ninenerbyos ka, you visualize yourself na naglalaro kang calm, cool, and collected. So, that’s visualization, affirmation, and pangatlo, emotions—kailangan feel na feel mong kaya mong gawin iyon.

Kasama ni Paeng ang kanyang amang si Angel “Pappy” Nepomuceno (na kanya ring bowling coach) sa Northern Ireland Bowling World Cup: “The athlete that has the bigger heart is usually the better athlete. You always play for the greater glory of God. And love of country! Ang motivation ko (would be) when someone comes up to me, lalo na kung Pinoy, “Paeng, maraming salamat, nanalo ka dito. 'Di mo lang alam, inaapi-api na kami dito.”

Ang father ko ang self-taught coach ko, he started buying me these books (to learn these things). Gamay ko ang coaching techniques ng dad ko kasi kilala nya yung brain ko nang mabuti. He had a good coaching eye. Tatay ko ang naging coach ko sa lahat ng World Cups ko.

Jaja: Every night sa ‘min, kunwari may tournament or kahit training (ginagawa ko rin ang visualization). Sa training, hangga’t maaari, bini-video yung training namin tapos pinapanood ko. Tinitingnan ko kung ano yung kayang i-improve. Pag game naman, nag-aaral ako ng laro ng kalaban.

Paeng: Yung era ni Jaja, may mga handy cams na ang mga phone na makukuna sya, ma-a-analyze ang game niya, and so she can correct herself. Pangalawa, yung video na yun, ‘pag nakita ng coach niya ang pinakamagandang performance niya, importante yun dahil moral booster sa kanya yun. Yun ang magiging template for her visualization.

Ikwento nyo ang mga pagkakataong nagsakripisyo kayo sa inyong buhay manlalaro.

Paeng: Nung araw, pinagsasabay mo ang sports at aral. Kailangan marunong kang mag-balance ng time. Laging sinasabi ng tatay ko noon, “Hindi ka pwedeng maging atleta habambuhay.” Natapos ko yung course ko (Commerce, Major in Management in Adamson University) na four years naman sa awa ng Diyos. Ha ha!

Sacrifice din sa parties. Going out—bawal yun! Lalabas ka pero huwag kang magpuyat. Ang drinks, only in moderation. ‘Pag nakikita mong lasing na ang mga kasama mo, tignan mo na lang sila! Ha ha!

There are certain countries na hotel, airport, at bowling center lang ang nakita ko, because ni-re-restrain ko sarili ko na ma-out-of-focus. Yun lang talaga nakita ko! Ang sacrifices naman it will pay off in the future.

Paano naman ang buhay –pag-ibig?  Kasama ito sa mga nasa-sakripisyo?

Paeng: Medyo! Ha ha! Ang tawag nga sa akin ng misis ko dati “chacha” eh! Kasi parang sumasayaw daw ako. Liligawan ko muna siya, ‘tapos babalikan ko ulit ‘pag may tournament. Ha ha! ’Tapos nung nag-asawa na kami, ang tawag nya sa sarili niya ay “bowling widow,” kasi lagi akong nasa abroad at di sya makasama. Maraming sakripisyong involved pag gusto mong maging champion sa sport mo.

Jaja: Five years na kami (ng girlfriend ko). Pero magkalayo kami nang three years pagpunta ko ng Japan. Mahirap yung long distance relationship. Yung mga ibang tao, hindi nakaka-survive sa LDR. Ako naman, tinyaga at kinakaya. Pero hindi lang naman love life ang magiging sakrispisyo mo sa pagiging atleta. Pati family mo, friends mo, at mga bagay na gusto mong gawin, di mo magagawa agad kasi priority mo yung nilalaro mo.

Lagi kong sinasabi sa sarili ko na in God’s time, ma-e-experience ko din yan—ang pagkakaroon ng “me time.”  May mga times naman na nakakapag-party ako, nakiki-meet with friends, o kaya nakaka-travel.  Pero as usual, isa o dalawang beses lang sa isang taon kong maranasan yun, happy na ako. Kumbaga, makahinga lang ako nang saglit, okey na ako.

Jaja Santiago: “Sa Japan, mas dagdag disiplina. Napaka-disciplined at hardworking nila. Bawat ginagalaw, kinikilos, at kinakain nila, napakahalaga. Marami kang matutunan, not just in sports but also in life.”

Paano mo nasabi sa sarili mo na ito na ang gagawin mo habang buhay? Na “this is it?”

Paeng: Passion—if you really love what you can do, you can go on and on. Pangalawa, kailangan enthusiastic ka to go on.

May naisip ka bang safety net bukod sa sports?

Paeng: I’m a businessman. I have bowling shops in bowling centers. Nag-umpisa ako dyan nung 19 ako. Nagkaroon ako ng pagkakataon na mag-operate ng shop sa Celebrity Sports Plaza. Working student na ako noong araw. Naging six outlets na yun ngayon. 

Jaja: Tingin ko magiging career ko na ang volleyball for the rest of my life. Hindi ko siya first love pero eventually, nagkaroon na ako ng passion dito. Na-in love na ako sa volleyball. Ito na rin yung kumbaga nagbigay ng buhay sa akin. Wala na akong ibang nakikitang sports na lalaruin ko for the rest of my life. Ito na yun talaga!

Pero gusto kong maging engineer nung bata ako! Kasi mahilig akong kumalikot sa mga electrical appliances. Kung di ako volleyball player, engineer ako! Ha ha!

Ano ang nagpapanatili sa inyong motivated at inspired?

Jaja: First, yung family ko. Hindi ako makararating sa kinakatayuan ko ngayon kung hindi dahil sa kanila at sa pag-push nila. Kasama na rin ang mga taong sumusuporta sa akin. Nag-pu-push ako dito sa ginagawa ko to inspire every Filipino na nanonood sa akin. At the same time, si God.

Paeng: You always play for the greater glory of God. And love of country! Ang motivation ko in all my competitions (would be) when someone comes up to me, lalo na kung Pinoy, “Paeng, maraming salamat, nanalo ka dito. Di mo lang alam, inaapi-api na kami dito.” Yun ang motivation on why I want to continue and give my best in every competition. Little things like that! And when you’re playing for your love of country, na kita mo flag ng Philippines nasa shirt mo — yun ang motivation ko! Ang family ko naman, total support sila.

Ano ang mabibigay nyong advice sa mga gusto ring maging tulad ninyo?

Paeng: Pick up a sport. Importante, may sport ka. It will teach you so many lessons in life. It makes you a better person. Always give your best, there are no shortcuts. Work hard. Kailangan yung work ethics like a professional athlete’s. Dapat willing to make sacrifices, at dapat yung sacrifice ay gusto mo din. Hindi lang porke sinabi ng coach mo at magulang mo. Play with your heart!

--

Please watch Pamilya Talk on Facebook, YouTube, and Kumu (@JingCastaneda – 5:30-7:00pm Monday, Tuesday & Wednesday). Please share your stories or suggest topics at [email protected]. You can also follow and send your comments via my social media accounts:  InstagramFacebookYouTubeTwitter,  and Kumu.

JAJA SANTIAGO

PAENG NEPUMUCENO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with