^

PSN Opinyon

Kalakaran ng katiwalian

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Asiwa ang Netizens sa katiwalian, lalo na ng mga puli­tiko. Ehemplo:

Ano raw ang kaibahan ng ordinaryong magnanakaw (OM) sa pulitikong magnanakaw (PM)? (1) Ang OM nina­nakaw ang iyong pera, bag, relo, kuwintas, at iba pa. Ang PM ninanakaw ang iyong kinabukasan, edukasyon, kalusugan, kabuhayan, pati pangarap. (2) Nakakatawa na ang OM ay pinipili kung sino ang nanakawan. Pero ikaw mismo ang pumili ng PM na magnanakaw sa iyo. (3) Ma­pait, ang pulis tinutugis at dinadakip ang OM. Pero pinuprotektahan ng pulis ang PM.

Kasi naman, ang OM ay mahirap, marungis, nakatira sa looban. Sinasanay ang pulis na upakan sila. Pero ang PM ay makapangyarihan, naka-magarang damit, at palasyo­ ang bahay. Sumisipsip ang pulis sa PM para mauna ma-promote o maluklok sa “masaganang” puwesto. Tinutu­lungan ng PM ang kawatang pulis. Kutsabahan sa katiwalian.

Nagiging OM na rin ang hanay ng pulis. Muli, ehemplo:

Kailangan ng photo album ng mga ga-graduate na police trainees.

Kinontrata ng hepe ang photographer nang P40 kada graduating trainee.

Pero inutos ng hepe sa ayudante na kolektahan ng P60 bawat isa at iintrega sa kanya ang labis.

Ipinaubaya ng ayudante sa assistant ang pangongo­lekta. Pero sinabi niya na P70 ang kada trainee, para kanya na ang labis.

Sinabihan ng assistant ang squad leaders na kolekta­han nang P80 bawat trainee para may “tong-pats” din siya.

Tumawag ang isang graduating trainee sa nanay para humingi ng pera. Ipinaliwanag niya ang photo shoot na P100 umano kada isa.

Agad sinabihan ng nanay ang asawa na kailangan ng P150 para sa photo shoot ng anak na graduating police­ trainee. Nagulantang ang mister sa halaga, kasi siya ang photographer.

Maraming tumitiba sa katiwalian; mas marami ang nabi­­biktima.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

NETIZENS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with