^

PSN Opinyon

BTS K-pop group ginaya sa House

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

First things first. Ito ang layunin ng bagong grupo sa Kamara na ang layunin ay unahin ng mga Solons ang mas mahahalagang panukala imbes na sumayaw ng “Chacha”. Mayroon na silang version ng Korean pop group na BTS. Ito ay kilusang pinangungunahan ni Taguig-Pateros Congressman at dating Speaker Alan Peter Cayetano.

Noon, ang tawag sa Kamara ay House of the People o HOPE. Ngayon, ito ay naging House Of Politics Empty ang Lacking in Essential Services and Sincerity o HOPELESS, Hahaha. Iyan ang hinagpis ni Cayetano. Dapat daw bigyan-pansin ng mga mambabatas ang mga higit na mahahalagang isyu tulad ng COVID-19 vaccination program at economic recovery, mga presyo ng bilihin at kuryente, at iba pang nakakaapekto sa buhay ng mga Pilipino sa halip na charter change.

Gusto ng BTS na alamin ang progreso ng rehabilitation programs para sa mga nasalanta ng nakaraang kalamidad gaya ng eruption ng Taal volcano noong nakaraang taon. At bakit wala sa agenda ng House  ang pagpigil sa  pagtaas ng kontribusyon sa Philhealth ngayong taon, gaya ng utos  ni Pangulong Duterte?

Wala ring ginagawa ang House para katulad ang mithiing mapabilis ay mapagbuti ang internet service tulad ng pangako ng mga mayayamang telcos. Mukhang puro pamumulitika ang nangyayari sa Kongreso ngayon.

Ang BTS ay kinabibilangan din nina  former Deputy Speakers Camarines Sur Cong LRay Villafuerte, Laguna Cong. Dan Fernandez, Batangas Cong. Raneo Abu at Capiz Cong. Fredenil Castro. Kasapi rin sina  Bulacan Cong. Jonathan Sy-Alvarado na dating chairman ng House committee on good government and public accountability; at Anakalusugan partylist Cong. Mike Defensor, na dating chairman ng House public accountability committee.

Ani Defensor,  marami pa silang mga committee chairperson at iba pang miyembro ng Kamara  na nakikiisa sa adhikain ng BTS. Baka eto ang magiging ARMY nila, kasama na ang maraming Pilipinong galit na sa pulos pamumulitika.

HOPE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with