^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Lakihan ang pabuya sa Jolo bombers

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Lakihan ang pabuya sa Jolo bombers

ISANG paraan para mahuli agad ang mga suspek sa Jolo bombing ay ang pagbibigay nang mala-king pabuya. Tiyak na maraming maghahanap at magkakandarapa sa pagnguso sa tatlong bombers para makubra ang malaking pabuya. Sa hirap ng buhay ngayon dahil sa nananalasang pandemya, marami ang maghahangad na makuha ang pabuya.

Sa kasalukuyan, P3 milyon lamang ang alok na pabuya na nagmula kay Zamboanga City Mayor Beng Climaco. Maliit ang halagang ito. Kung gagawin itong P10 milyon, tiyak na babagsak agad ang tatlong suspek. Hindi na sila makakalayo sapagkat marami ang maghahanap sa kanila dahil sa laki ng reward. Sana, mapag-isipan ito ng mga awtoridad para madaling mahuli ang mga terorista.

Ang tatlong suspek ay sina Mundi Sawadjaan, Andi Basco at Reski Fantasya. Si Sawadjaan ay sub-leader ng Abu Sayyaf samantalang sina Basco at Fantasya ay mga babaing Indonesian suicide bombers at mga supporter ng Islamic State. Si Fantasya, ayon sa report ang nasa likod ng pambobomba sa Mt. Carmel Cathedral noong Enero 2019 na ikinamatay ng 23 katao.

Ang tatlo ay positibong itinuro ng mga witnee na nasa likod ng dalawang magkasunod na pambobomba noong nakaraang linggo sa Bgy. Walled City sa Jolo na ikinamatay ng 17 katao, karamihan ay mga sundalo.

Naganap ang unang pagsabog dakong 11:54 ng umaga malapit sa isang restaurant at grocery store. Maraming sundalong nagpapatrulya sa lugar samantalang ang ibang sundalo ay namimili ng kanilang mga supply. Nasa di-kalayuan ang kanilang military truck. Maraming sundalo ang namatay at nasugatan.

Makalipas ang isang oras, 12:57 ng tanghali, naganap ang ikalawang pagsabog malapit sa sangay ng Development Bank of the Philippines, may 100 metro mula sa pinangyarihan ng unang insidente. Ayon sa report bago ang pagsabog, isang babae na may kahina-hinalang kilos ang sinita ng isang sundalo dahil mayroong nakabukol na bagay sa ilalim ng damit nito. At kasunod ay ang malakas na pagsabog.

Malaking pabuya ang ipagkaloob para mada-ling mahuli ang tatlong terorista. Ito lamang ang tanging paraan para mawakasan na ang kasamaan ng mga ito. Kung hindi pa madadakma ang mga ito, marami pa silang papatayin. Hindi ito dapat mangyari. Dapat silang madakip.

JOLO BOMBING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with