^

PSN Opinyon

Kung nalaman ko sana nang maagang edad...

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Maraming mga karanasan noong pagkabata ang ma­­riing tumatak sa isip at pagkatao ko. Naalala ko nu’ng, edad-9, pilit akong sinama ni Itay sa burol ng yumao niyang kaibigan. Naupo lang ako sa malayong sulok at naghintay ng oras. Habang nag-iisa ako may lumapit na lalaki at nagsabi: “Magpakasaya ka sa buhay, maging maligaya, dahil mabilis lilipas ang panahon. Tingnan mo ko, hindi nagpakasarap, sayang.” At tinapik niya ang ulo ko.

Nu’ng aalis na kami ni Itay, pinilit niya akong silipin ang patay sa kabaong. Laking kilabot ko nang makitang ang nakaratay ay siya ring lalaking kumausap sa akin.

Maraming taon mula noon hindi ako makatulog nang mahimbing, malimit bangungutin, parang masisiraan ng bait, hindi nagpapatay ng ilaw sa gabi, at marami pang gulong-isip na dinanas sa pagbibinata. Malaki ang nagastos ko sa pagkunsulta sa mga doktor.

Matagal na panahon bago ko natuklasan ang kagila-gilalas na kaalaman na nagbago sa aking buhay.

Ang patay pala na ‘yon ay may kakambal na kapatid na lalaki.

* * *

Mula pagkabata pinangangaralan ako ni Inay na, kapag binata at manliligaw na, huwag daw ako magpakalulong sa hitsura at antas sa buhay. Ang mahalaga lang daw ay ang pagkatao ng napupusuan ko.

Bilang masunuring anak, tumanim sa isip ko ang payo ni Inay. Naging maingat ako sa paniningalang-pugad. Sinunod ko siya sa pagpili ng aking magiging kabiyak ng puso.

Nu’ng araw ng aming kasal, sinabihan ko ang mapapangasawa ko: “Titiisin ko na maganda ka at mayaman, basta maging mabait ka lang palagi sa akin. Ipangako mo ‘yan sa akin ha.”

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

EDAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with