^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kaunting ulan, baha agad

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Kaunting ulan, baha agad

Hindi malakas ang ulan sa Metro Manila noong Biyernes na hatid ng Bagyong Ambo pero nagdulot agad ito ng baha sa ilang lugar sa Metro Manila. Sa Maynila, bumaha agad sa Rizal Avenue hanggang R. Papa. May portion din sa Taft Avenue na binaha agad at maging sa may malapit sa city hall. Bumaha rin sa Araneta Avenue sa Quezon City.

Si Ambo ang unang bagyo na tumama ngayong 2020. Karaniwan nang 20 bagyo ang tumatama sa bansa sa loob ng isang taon. Isa pa lang ang tumatama at hindi pa malakas ang hatid na ulan sa Metro Manila pero umaapaw na ang baha. Paano kung pagsapit ng Hunyo, Hulyo at Agosto na sunud-sunod ang bagyo? Tiyak na hanggang tuhod o hanggang baywang ang baha sa maraming kalye sa Metro Manila. Tiyak na magiging dagat na naman ang España Blvd.

Nakabarang basura sa mga drainage ang dahilan nang pagbaha. Ayon naman sa Department of Public Works and Highways (DPWH), lagi silang nagsasagawa ng declogging o paglilinis sa mga imburnal lalo sa kahabaan ng España Blvd. pero marami pa ring residente ang walang disiplina sa pagtatapon ng basura. Ang mga basura ay humahantong sa mga daluyan ng tubig at doon nagbabara kaya nagkakaroon ng baha.

Nang bumaha noong nakaraang taon sa kanto ng España at Maceda Sts., sandamukal na plastic sachets at mga supot na plastic ang nakuha ng mga taga-DPWH flood control. Ang mga iyon ang bumara at dahilan nang pagbaha. Hindi natutunaw ang mga basurang ito kaya walang katapusan ang pagbibigay nila ng problema. Bukod sa mga supot na plastic na gamit ng mga vendor, marami ring nakuhang sachets ng shampoo, 3 in 1 coffee, catsup, toothpaste at pati plastic straws sa softdrinks, milktea at iba pa.

Nagbabala ang environmental groups na kung hindi gagawa ng paraan ang pamahalaan para mabawasan ang paggamit ng single use plastic, aapaw ang may 59.7 bilyong sachets sa Metro Manila.

Ngayong nananalasa ang COVID-19, dapat maging disiplinado ang lahat. Panatilihin ang kali-nisan upang huwag kumalat ang sakit. Huwag tapon nang tapon ng basura.

vuukle comment

AMBO

COVID-19

R. PAPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with