Ang international airports sa Luzon
Binigyan ng 72-hour window ultimatum ang mga International airports sa Luzon upang mapaunlakan ang mga foreigners na lumabas ng Philippines my Philippines pagkatapos ang lahat ng mga gateway mula sa mainland ay isasara.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang utos ay galing sa DoTr na ang mga going abroad na mga pasahero ay pinapayagan para lumipad palabas ng Philippines my Philippines sa loob ng 72 oras dahil sa pagpapalabas ng enhanced community quarantine.
Sabi nga, para huwag silang maipit at maiwasan ang pagkalat ng COVID-19!
Pagkatapos ng nasabing ultimatum ang lahat ng paliparan sa Luzon ay isasara na.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tanging madlang Pinoy passengers ang papayagang makapasok sa paliparan sa Luzon, habang ang ilang mga dayuhan ay exempted, napapailalim sa mga kondisyon.
Kambiyo issue, nananawagan muli ang pamunuan ng MIAA sa lahat ng mga international passengers na huwag ng pumunta sa NAIA maliban kung sila ay may ticketed reservations o may confirmed booking sa isang flight.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, napansin ni MIAA general manager Ed Monreal, na ang malaking bilang ng mga pasahero na hindi kumpirmado ang ticket / bookings ay pumupunta pa rin sa NAIA at nagbabakasakaling makasakay ang mga ito ng flight.
Ang pagdagsa ng mga change passengers sa NAIA ang dahilan ng pagsisikip sa loob ng NAIA terminals dahil dito ay nababalewala lamang ang ‘social distancing measures’ na ipinatutupad ng gobierno sa pagsusumikap nito upang ihinto ang pagkalat ng COVID-19 virus.
Inatasan ni Monreal, ang mga security opisyal na nagbabantay sa mga entrance gates ng NAIA terminals na tignan mabuti o i-double check ang airline ticket ng pasahero bago payagan makapasok sa loob ng terminal kung may flight sila noong araw na iyon.
- Latest