^

PSN Opinyon

Grabe ba ang politika ngayon?

ORAMISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

Pinalagan ng mga mamamahayag na mga miyembro ng iba’t ibang organisasyon ang pangi­ngikil, este mali, pagsakal pala sa kala-yaan sa pamamahayag.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi nila gusto ang ginawang paghahain para saingin este sa quo warranto petition pala ni Solicitor General Jose Calida sa Supreme Court versus sa issue ng ABS-CBN prangkisa.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nauuso na naman daw ang mga pag-atake o pagbabanta lalo’t kumakalat ang fake news sa Philippines my Philippines.

Bakit kaya?

Alam ng mga kuwago ng ORA MISMO, na may mga karapatan na nakapaloob sa Constitution na hindi dapat nilalabag ng mga bright people lalo’t sakalin mo ang malayang mamahayag.

Tignan mo ang nangyayari ngayon sa ABS-CBN, hindi lang binabantaan kundi tinatakot pa na hindi na ito mabibigyan ulit ng visa, este mali, prangkisa pala. Hehehe!

Ano sa palagay ninyo?

Kailangan maging mapagbantay sa mangyayari?

Kambiyo issue, hindi dapat maging padalos-dalos, kailangan maging mapagmatyag tulad ng mangyayari sa ABS-CBN?

Ngayon pa lang ay sangdamukal na ang pumapalag sa sasapitin ng ABS-CBN?

Ika nga, kawawa naman!

Maaari rin makapag-operate ang ABS-CBN  kahit paso na ang prangkisa nito hanggang May 5, 2020. May 45 days before expiration date  on March 30, 2020.

Bigyan kaya ng National Telecommunication Corporations ng tem­porary permit to ope­rate ang ABS-CBN?

Ano sa palagay ninyo?

Grabe kasi ang politikahan ngayon?

Abangan.                                                                             

* * *

Super Liit nangamoy dilawan sa NAIA - BI

ALAM ninyo bang katakot-takot na mura ang umalingawngaw sa tenga ng isang opis­yal na bebot d’yan sa Bureau of Immigration matapos siyang palagan nito the other week?

Sa galit ni Madam X, hindi niya napigilan ang kanyang sarili at minura mula ulo hanggang paa ang kanyang bossing dahil sa sobrang angas ng namurang matanda. Hehehehe.

Sumobra raw ang ere kasi ng bebot na namura dahil nag-iba ang kulay nito nang bigyan ng puwesto ng kanyang amo sa BI central office?

Bakit kaya?

Maraming nilaglag si ‘super’ bulilit kaya naman hindi biro ang nanggagalaiti sa galit dito?

Lumipat kasi ng partido si Super Liit na dati-rati ay dilaw na dilaw na dilaw ang kulay?

Ano sa palagay ninyo? Abangan.

POLITIKA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with