^

PSN Opinyon

Ano ba ito?

ORAMISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MAY 300 Chinese at iba pang bahag este mali banyaga pala sa NAIA at iba pang international airport sa Philippines my Philippines ang nabubuwisit ngayon dahil stranded sila sa mga airports, siempre kasama rito ang mga OFWs na babalik dapat sa kanilang mga pinagta-trabahuhang bansa.

Bakit?

May temporary travel ban ang gobierno kaya walang mga eroplano ang puedeng lumipad sa China, Hongkong at Macau at ang mga galing dito na mga banyaga ay hindi naman puedeng pumasok sa Philippines my Philippines except iyong madlang Pinoy at mga foreigners na may mga permanent visa rito ang pinapayagang makapasok pero kailangan silang magpa-quarantine ng 14 days.

Ang delubyong ito ay dahil sa deadly coronavirus na kumakalat sa buong mundo,

Sabi nga, kawawa ang magkakasakit?

Bakit?

‘Pag minalas namamatay!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nag-promise daw ang China na magpapadala sila ng eroplano para ma-pickup ang kanilang mga kababayan na stranded todits sa Philippines my Philippines.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nasa isang kuwadra este mali kuwarto pala sa NAIA ang mga stranded foreign nationals.

Ang hindi lang natin alam ay kung binibigyan sila ng libreng tsibug ng gobierno?

Kambiyo issue, siguro dapat bigyan ng gobierno ng Philippines my Philippines ng “hazard pay” ang mga frontliner workers sa mga international airport pati na ang mga health workers dahil ang mga ito ay puedeng magkaroon o mahawa sa mga mayroong iba’t ibang mapanganib na sakit na pasahero.

Halimbawa, ang mga immigration, quarantine at customs people na nakatalaga sa international arrival area ng NAIA ay puedeng mahawa sa sakit. Ang mga ito lalo’t ang mga taga-human quarantine ang nasa first line of defense sa mga pasaherong dumarating sa Philippines my Philippines na ngayon ay nagmo-monitor sa mga may sakit.

Ano sa palagay ninyo?

Samantala, sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, malungkot si alyas Dennis “Pisngi”, ang tinaguriang “coronavirus king” dahil tigil ang pagdating ng mga Chinese nationals working sa POGOs na kanyang sinasalubong.

Bakit?

May temporary travel ban ang gobierno.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tahimik si Dennis “Pisngi” sa isang sulok na parang asong bulldog na pakamot-kamot ng kanyang tiyan.

Abangan.

ANO BA ITO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with