^

PSN Opinyon

EDITORYAL- Ilikas ang OFWs sa Iraq

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL-  Ilikas ang OFWs sa Iraq

Kahapon, nagpaulan na ng missiles ang Iran sa dalawang US bases sa Baghdad, Iraq. At tiyak na may mga kasunod pa ang missile attack. Mara­ming Pinoy na nagtatrabaho sa US bases. Sabi ni President Duterte, kapag may namatay o nasaktang OFWs sa Iraq, kakampi siya sa United States para labanan ang Iran.

Tiyak na may masasaktan kapag pinuntirya ang mga kampo ng Amerikano. Kaya hindi na dapat hin­tayin pa ng Philippine government na may masaktan, ilikas na ang mga OFWs doon habang may panahon pa.

Tiyak na gaganti ang Iran sa US sapagkat napatay ang isa sa mga top general nila. Napatay sa US air strike si Gen. Qassem Soleimani noong Biyernes sa Iraq. Tinarget ng missile ang convoy ni Soleimani malapit sa Baghdad airport at napatay kasama ang iba pa. Nagbanta ang Iran na gaganti. Agad nag-advise ang US sa lahat ng American sa Iraq na umalis sa nasabing bansa upang huwag maipit sa labanan.

Tinatayang may 3,000 OFWs sa Iraq. Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), mayroong mga Pinoy na hindi dokumentado. Karamihan sa mga OFW doon ay nagtatrabaho sa US bases sa Baghdad at sa ibang dayuhang pasilidad.

Tiyak na maiipit ang mga OFWs kapag lumubha ang sigalot. Walang mapupuntahan kapag nagsagupa ang Iran at US. Mabuti kung uunahin silang tulu­ngan ng kanilang mga kompanya. Siyempre, ang unang ililigtas ng kanilang employer ay ang kanilang sarili at mga kapwa kababayan. Bahala na kung anong mangyari sa kanilang workers na karamihan ay mga Pinoy. Ang mangyayari, walang ibang maaaring gawin kundi iligtas ang sarili.

Nararapat nang ipag-utos ni President Duterte ang agarang paglikas ng mga OFWs doon. Kakaunti lang naman at madaling maililikas bago pa lumala ang tensiyon. Hindi titigil ang Iran hangga’t hindi na­ipaghihiganti ang kanilang heneral. Maski ang mga mamamayan ng Iraq ay galit na galit sa US kaya nakikitang uusbong ang kaguluhan sa rehiyon. Lahat sila ay gustong makaganti sa US sa pagkaka­patay kay Soleimani.

Ipagpatuloy ng pamahalaan ang paghahanda para matulungan ang OFWs sa Iraq. Kailangan ang mabilis na aksiyon sa ganitong sitwasyon.

DFA

OFW

QASSEM SOLEIMANI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with