^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Nasusubaybayan pa ba mga batang na-Dengvaxia?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Nasusubaybayan pa ba mga batang na-Dengvaxia?

ISANG grupo ng mga doctor ang nagmumungka­hing ibalik ang Dengvaxia vaccine para matugunan ang tumataas na bilang ng mga nagkaka-dengue. Kung maipagpapatuloy daw ang naunsiyaming pagbabakuna, maaaring mapigilan ang pagdami ng mga nagkaka-dengue na ngayon ay idineklara ng Department of Health (DOH) na isa nang epidemya. Ayon sa DOH, 11 rehiyon na ang apektado nang pagdami ng dengue cases.

Pinag-aaralan ng DOH kung dapat nga bang ibalik ang Dengvaxia lalo pa’t nagpahiwatig si President Duterte na maaari ito pero dapat dumaan sa masu­sing pagsusuri ng mga scientist. Una nang sinabi ng DOH na hindi na puwedeng ibalik ang Dengvaxia dahil nakansela na ang permit nito dahil sa nangya­ring kontrobersiya noong 2016.

Dapat manindigan ang DOH sa unang desisyon na huwag nang payagang maibalik ang Dengvaxia kahit pa may mga grupong nagsusulong na dapat itong gamitin muli. Hindi na dapat magkamali sa ikalawang pagkakataon. Tama na ang isang pagkaka­mali na marami sa mga batang binakunahan ang hindi dumaan sa pagsusuri bago binakunahan noong Abril 2016. Pinapila ang mga bata at saka sinaksakan ng Dengvaxia.

Huli na nang aminin ng Sanofi Pasteur, manufacturer ng Dengvaxia vaccine na palalalain nito ang sakit kapag nabakunahan ang isang hindi pa nagkaka-dengue. Bakit hindi agad ito sinabi ng Sanofi? Kaila­ngang lumipas pa ang mahigit isang taon bago nila nadiskubre ang kahihinatnan ng mga nakatanggap ng bakuna. Mahigit 800,000 school children sa NCR, Calabarzon at Central Luzon ang nabakunahan.

Ayon sa report, maraming bata ang namatay at ang dahilan ay ang pagkakabakuna ng Dengvaxia. Nang sumabog ang balita ukol dito, maraming magulang ang sinaklot ng takot. Kahit sinabi ng Malacañang na huwag magpanik, hindi ito nakabawas sa alalahanin. Sinong magulang ang hindi mag-aalala gayung nasa katawan ng anak nila ang bakuna. Sabi ng Malacañang, mananagot ang lahat ng sangkot o may kinalaman sa dengue vaccine fiasco.

Ngayon ay gustong ibalik ang Dengvaxia. Huwag na. Panatilihin na lamang ang paglilinis sa kapaligiran at tulungan ng pamahalaan ang mga nagkakasakit. At nararapat ding malaman kung nasusubaybayan pa ba ang mga batang nabakunahan. Ano na ang nangyari sa 800,000 na nabakunahan? Ano ang epekto sa kanila ng Dengvaxia? Dapat malaman ito ng sambayanan.

DENGUE

DENGVAXIA VACCINE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with